ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.
ang guilty pleasure ko ay magtanggal ng talukap ng natuyong sugat. two weeks ago, sumemplang ako sa kalye malapit sa apartment namin. hindi ko kasi natantya yung steps at gumulong gulong ako na parang stuntman. buti na lang walang nakakita sa akin kung hindi baka sumikat na naman ako. tumama ang tuhod ko sa aspalto at malaki ang sugat. tuyo na siya ngayon kaya tinatanggal tanggal ko na yung scabs. ayos – parang gusto ko ring tuloy pumikit.
hey, happy birthday!!!!!
my guilty pleasures? mag-shopping at mag-blog!
i full my “patay na buhok” sometimes pagbored ako masyado. mannerism na siguro yon.
happy new year π wishing you and your family the best of this year π
nyahay, pull pala yon. hehe, i guess i was pulling it while i was typing. multitasking di ba?
nabaha ba kayo last weekend? i know we did.
ako naman mag kutkot ng dry scalp..yun bang di mo mabita-bitawan kasi pag di mo makuha at naka hang sa buhok mo e baka may makakita..
Hahaha! I pick my scabs, too. And sometimes, the more it stings, the better the pleasure!
Ako, maghinunuli pagkatapos maligo. Napapataas nga pati paa ko sa sarap e.
my guilty pleasure magkutkot ng me sugat ng me sugat ..yung malapit ng gumaling tapos pag kinutkot ko biglang dudugo ulet tay tayu jan iiyak yung me sugat heheheheeh!!!
you scratch your own galis.
magbasa ng blog at mag sudoku.
ano nga ba yang sudoku?
ngyhehehe… masarap nga yan tito rolly. parang orgasmic din ang epeks.
“STINGING SCABS” – that’s a nice name for a rock band, barb.
DRY SCALP? ngeyhehehe… interesting. makati yon di ba?
fronounce your “f” froferly, tintin.
thank you yasmin. kamusta na diyan sa peborit city ko? tamang tama pala ang pag punta mo sa bangkok, you love shopping.
Sudoku is the numbers placement puzzle. Kailangan mo lang ilagay ang nos. 1-9 in such a way na walang repetition of nos. vertically and horizontally. May online sudoku. kakaadict try mo.
Hi Batjay,
Bertdey mo nga ba? Happy Birthday, Happy New Year sa inyo ni Jet.
Nakahanap din ako ng fellow kutkutero (kutkot ng scab, kutkot ng hangnail…)
My other guilty pleasure nung high school… mag-pop ng mga Mt. Pinatubo-pimple, hehehe.
hi mona.
last month pa yung birthday ko. ah so – kasali ka rin pala sa sikat na organization – “YouSYOG of the Philippines”.
popping pimples – naku, magagalit sa iyo si jet. pag may tigyawat ako, hindi niya pinagagalaw kasi maraming mga nerves sa mukha ang pwedeng ma damage.
happy new year!
Hi Maria
ah – ok. i got it. ayoko simulan kasi baka wala na akong magawang trabaho.