nakapag ikot din ako sa bisikleta nung sabado bago dumating yung bagyo. nagsimula ako sa newport beach at umakyat north bound sa huntington beach (kung saan ko kinuha ang photo na ito). ang huntington ay isa sa mga unang beach na napuntahan ko rito sa california kaya memorable ito sa akin. historic din ang location na ito dahil dito nagsimula ang surfing culture sa california.
dahil winter, kaunti lang ang tao at masarap mag bisikleta along the board walk. kailangan mo lang ng sweater at lakas ng loob na mag bike sa lamig. may mga kasabay rin akong mga ibang bikers at skaters. yung iba nga naka tank top at bikini. di ko alam kung paano nakakatagal ang mga kumag. parang pinaglihi sa ice candy at hindi ata nilalamig. marami ring mga surfers dahil over 15 feet ang mga along dala ng bagyo. buti nga nakapag bisikleta ako nung sabado. pag pasok kasi ng linggo ay bumuhos na ang ulan. hanggang ngayon nga maulan pa rin – parang umiiyak ang panahon. siguro nakikisama sa akin. pasukan na naman kasi bukas. ayoko pa sana mag opisina bukas kaya lang… kailangan kumayod para may pambili ng kaning lamig.
jay, happy new year dyan sa inyo! ganda ng kuha mo! reminiscent of noah grey… http://www.noahgrey.com π
thank you rene.
happy new year din sa iyo. ang galing nga ng kuha sa huntington beach. iba talaga pag sepia tone – may pagka desolated na romantic ang dating, if there is such a term. ngyehehe.
happy new year! buti pa jan medyo malamig ng konti kaso nga lang panay ulan..baligtad naman dito sa min sa texas, ilang linggo nang di umuulan…like now, in the middle of winter-sunny skies and 80 degrees…parang miami!
umulan lang ng weekend pero ngayon it’s already sunny. it’s not that cold 0 mga 55 deg F ngayon. perfect weather as far as i am concerned.
80 in texas is a bit weird this time of the year, isn’t it? you probably experience 4 seasons in 1 day.
Ganda ng kuha mo mylab. Bagay na bagay pa ang sepia treatment. Nami-miss tuloy kita. Sana nga mas mahaba pa ang bakasyon mo.
ang ganda nga mylab nung time na nasa huntington beach ako. kaunti lang ang tao. dito sa site na pinagkuhanan ko, ako lang mag-isa ang naroon. ang sarap nga na maupo sa buhangin at panoorin ang dagat.
next weekend, punta tayo sa huntington or sa newport.
I see Spiderman made the rounds, too. Did he ride on his own bicycle? lol
nope, spiderman hitched a ride with me. i have a big backpack that i carry around when i ride my bike – big enough for an SLR camera and a spiderman doll.
nakaka senti ang shot mo, tito jay.
pareho kayo ng feeling ni R, malungkot dahil after ng bakasyon kayod agad. yep, para rin may pambili ng kaning lamig. hahaha.
ingat.
ang ganda ng shot kuya π sarap siguro tumambay jan ano!!! srap ng hangin na nanggagaling sa dagat … hay kainggit!
ganda ng picture! pwedeng pang postcard…layout…poster… greeting card cover… notebook cover… album cover… hehe
Happy New Year Batjay! oo nga masyadong nakakatamad pumasok lalo na at sobrang lamig.
happy new year din. mahirap ngang bumangon pag malamig.
hi roselle. pwede ring wallpaper sa computer.
happy new year po sir!
happy new year din.
hi melai. sarap nga ng hanging galing sa dagat – iba ang amoy, iba ang lasa.
hi tin. post vacation depression ata ang tawag dito. very typical lalo na pag long christmas break. mas lalong malala pag nasa pilipinas at january 2 na. ibig sabihin malapit nang lumayas na naman.
Ako andito na sa opisina pero ang bigat pa rin ng pakiramdam kasi dapat natutulog ako ngayon e. Alam mo naman ang mga growing boys na tulad natin, kailangan ng maraming tulog.
happy new year batjay and jet!
alam ko nasabi na nila lahat pero ang ganda ganda ng picture. π
ang kulet ni koyang o papalit palit pa ng nick … iba ba ang tubig dagat jan sa tubig dagat sa pinas???
yung tubig rito ay hindi marunong mag tagalog.
hi miss dyezebel. happy new year din sa iyo. next weekend nga, balak kong dalhin si jet sa beach para magkodakan kami.
ingat diyan!
jay
oo nga tito rolly – kailangan natin ng siesta, short nap at kung ano ano pang mga excuse para matulog. pag hindi, baka hindi tayo tumangkad.
i like the view sana makapunta din ako dyan
huntington beach. it’s a great place.