last july, nagpunta kami ni jet sa mount apo dahil may tinulungan akong mga kaibigan na gumawa ng power plant. nagulat ako pag akyat ko sa itaas kasi halos lahat ng mga building doon ay may mga nakapakong ginupit na bote ng mineral water. nalaman ko na ito pala ang kanilang mga primitive cell sites. mahina kasi ang signal ng cellphone sa mount apo kasi yung mga tutuong cell sites ay nasa davao at cotabato. pero mayroong mga hot spots doon kung saan pwedeng tumaas ng mga 1 or 2 bars ang signal ng cell phone mo – just enough to receive and send text messages. kaya ang ginagawa ng mga engineer doon ay maghahanap ng hotspots (kadalasan ay nasa gilid ng mga building – ewan ko kung bakit ito dito nakikita, siguro dahil may amplification ng signal yung mga corners ng buildings). anyway, pag nakakita sila ng hotspot, mag gugupit nga sila ng mineral water bottle at ipapako nila ito sa pader para pwedeng paglagyan ng cellphone. pag pasok ng text, babasahin nila ito. sasagot tapos ilalagay ulit doon sa “CELL SITE” para mag transmit. filipino ingenuity at its best.
actually importante ito, kasi may nabasa ako dati sa site ni ate sienna na isang pinoy na naaksidente habang gumagamit ng cellphone. nagpadala nga sila ng mga dasal thru text message:
LEts pAuse 4 a wHile & prAy 4d sOul f ur bEloVed cO-texTer wHo rcEntLy paSsed aWay…dHil aNg PutAnG_nA!!!nHulog s bUboNg s kkhAnap ng siGnal!!!
Gawain ko rin yan nung nasa bataan ako, yun mga panahon na mahina pa ang signal.. umaakyat ako sa bubong ng bahay para makakuha ng magandang signal… buti na lang d ako nahulog… kundi pinagdadasal na rin ako…
I was trying to figure out what’s wrong with the mobile phone… Akala ko slow shutter and the phone’s rolling off the building… hehehe I need to have my eyes checked.
Bilib din ako sa mga kebigan mo sa Mt Apo, ang lupit. Talagang necessity is the mother of all inventions.
nice post. ang galing talaga ng pinoy!
sa house ng friends ko, isang part lang ang me signal. yung window nila sa sala na me grills. they call it the “Sun spot” kasi lahat sila naka-Sun Cel. niwei, isang gabi, nakalimutan nilang bantayan yung cel. kasarapan ng kuwentuhan, ayun, nadekwat ang dalawang phones. sad. pero ok na sila ngayon.
dalawang cellphone ang nadekwat? delikado nga maglagay ng cellphone sa pilipinas sa kung saan. nawalan na rin ako dati – parati naming tinatawagan sa madaling araw yung kumuha ng cellphone, tapos sumisigaw kami ng “MAGNANAKAW!”
hi tin – super galing na, ang bango bango pa. balita ko lilipat ulit kayo? sayang – sana magkapit lugar lang tayo, ano.
e bakit pa kailangan ipako sa pader ang lalagyan? di ba pwedeng ilagay na lang sa plastik bag at itali sa mahabang kawayan at itayo sa may hot spot..
balita ko yung iba dun, ihahagis ng mataas yung cell para makakuha ng text kaso putol putol, minsan basag basag ( ang cell)
kaya sa pader nilalagay ay dahil sa functionality. the best solution is the design that is the easiest to implement and the easiest to use.
may dahilan kung bakit lumalabo ang mata, auee. magagaling talaga ang mga pinoy engineers. subok ko na yan – sa paghanap ng paraan, wala tayong equivalent.
manong bidoy – mahirap ngang umakyat sa bubong para humanap ng signal.
Ang galing talaga ng Pinoy mylab no? Naalala ko tuloy yung improvised electric burner na nakita ko din sa Mt. Apo. π
oo nga pala – mayroon ding electric burner na gawa sa lata ng skyflakes. thank you mylab. ngyehehe. galing ng pinoy.
totoo yan! kaya nga naghahanap ngayon si uncle Sam ng 30,000 teachers dito sa pinas, kahit di tapos ng teaching! eh pano, hindi lang academics ang tinuturo ng pinoy. kasama na diyan ang pagiging resourceful at pagiging matiyaga =)
Maparaan talaga isipin mo nakakapagbinyagan at inuman sa Saudi… ok ok i’ve put a dampener on things.
π
Sa paglabo ng mata. I really should cut down on my peeping activities.
ganyan din kami sa ilocos dati, kailangan pumunta sa tabi ng kalsada (as in marcos highway) para makapagsend at maghintay ng text message.
ayan tuloy parang ang daming tambay na mga kabataan sa tabi ng kalye.
kaaliw sir!
peeping activities?
hi joyce. oo nga. are your teaching dreams still on? punta ka pa rin dito. sana matuloy.