kanina pang umaga ngumangawa ang world famous na santa ana winds dito sa orange county. matagal ko na itong naririnig na ikinukwento ng mga kaibigan namin na taga rito pero ngayon ko lang na experience. nakakatakot pala talaga. galing ang hangin sa desyerto, aakyat siya ng bundok where it builds up speed and raises its temperature, tapos tatakbo ito ng pababa papunta sa dagat. malakas siya at mabilis (over 110 kph in some areas), maingay at mainit. para ngang may nakatapat sa iyong super duper hair dryer. nakaka tindig balahibo lalo na pag nasa loob ka ng bahay. oo virginia, pati balihibo ko sa ilong at pwet, tumayo. pumipito kasi ang hangin pag tumama sa bintana. pag tumingin ka naman sa labas, kita mo yung mga puno – halos naka bend ng 90 degrees.
ngayon ko lang naiintindihan kung bakit maraming nasisiraan ng ulo at (di ko alam kung tutuo) tumataas din daw ang crime rate every time the santa ana wind blows. pero ang alam ko na talagang tutuo ay nagdudulot ito ng maraming mga sunog. just today may reports na ng brush fires and it might get worse as we get into winter.
hmmm…interesting… 😀
galing ano. very interesting talaga. hanggang ngayon nga, malakas pa rin ang hangin.
Naalala ko tuloy ang kwento ni Marco Polo ng nagpunta siya sa Mongolia. ganyan din ang hangin pero napakainit! Kaya naman marami sa kanila ang namamatay kapag di nakasilong sa loob ng bahay. thats what you call “Instant Mummy”!
Ayoko siya. I hope it goes away soon.
akala ko ang instant mami ay galing sa lucky mee.
baka hanggang winter pa ito mylab.
kakasabi ko pa lang – nasa news na ngayon ang mga sunog. mukhang lalaki pa.
Onkel Batjay, may balahibo kayo sa pwet??? hmmm… mas interesting yata iyon.
naiwan ko nga pala ang bakya ko dito, hope di mo ipupukpuk sa ulo ko.
ang innnniiitttt!!! parang summer na naman ulit (nakahubad na naman mga estudyante dito).
Whatever it is, ingat lang kayo palagi ni Jet. i am eagerly awaiting our next get together.
ok naman kami – nawala na rin yung malakas na hangin ngayon pero mainit pa rin kahit na ngayong gabi.
hi sis. ang init nga ngayong araw. until tonight – mainit pa rin. pag dating nga namin ngayon nakabukas lahat ng aircon ng mga neighbors namin.
may balahibo ako sa pwet, balbon ako eh. di ko na nga pala kailangan ang bakya. size 12 ang paa ko – isang tsinelas lang, masakit na.