dear mommy,
gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo – medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh – “das wat we do wen it’s hot in singapore, my pren”.
nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.
yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.
ang nagmamahal ninyong bunso,
jay
batjay,
now that we’re only 3 time zones apart, mababasa ko na kaagad ang mga postings mo. Hope that you’re getting settled well in your new abode, adobe?, you’re new apt! e matanong ka lang, nakabili na ren kayo ng sasakyan?just curious. At pano yan, di mo ba namimiss ung mga kinakainan mong restoran sa singapore? Enjoy your weekend. From one your many silent readers.
palayo ng palayo
pero you never still
failed to make us laugh
and make our silence be heard
like fart. š
Buti hindi dumungaw at nagreklamong giniginaw sya no?
parang nakita ko ngang medyo dumungaw, binatukan ko lang kaya bumalik.
kamusta gari? brings laughter and farts, i like that. hehehe. salamat sa pag comment. hanggang sa muli.
hi jeff from virginia.
oo nga, 3 time zones na lang ang distansya natin. although by the time i start to blog, late evening na riyan. may problema pa rin kami ni jet sa kotse and are trying to resolve it today. hopefully, we will be able to get it done. i cross my fingers and legs.
oo, miss na miss na namin ni jet and singapore food. hindi lang dahil sa lasa ng pagkain. pag kumain kasi kami roon, may kasamang mga mababait na kaibigan kaya not only do you eat, you also enjoy the company of friends.
hahaha… grabe fafa jay… so embarrassing.. at least ngayon alam mo na ang una mong titignan pag biglang nilamig ka. hahaha!
hi tanya.
yup, a cold howling wind kind of feeling down there should make the alarm bells ring. musta ka na? when will you be flying over to the US?
eto tru-to-layf…
Nakakahiya mang aminin e nangyari na sa akin yang zipper-horror na yan! Ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita ang bikini kong itim??
BWAHAHHAHAH! too funny!
hi kat – have you ever heard of any new york lawyer who went to court with his fly open? that would be really funny.
hi auee, ang pangalan na puro vowel.
nangyari na rin sa amin yan nung araw. nag-uusap usap yung mga kapit bahay namin sa novaliches sa bahay ng kaibigan ng mommy ko. may isang manang doon na naka duster ang nagtaas ng paa sa silya. nakita tuloy ng lahat ang bikini niyang itim.
after a few moments, napansin namin na hindi pala ito bikining itim – wala pala siyang panty.
eh di sikat na sikat ka na sa office ngayon! š
wala namang nakakita kaya medyo obscure pa rin ako kahit papaano. ayoko namang mabansagan na “that sick filipino”
Wow hi-tech na kayo….parang napapanood ko sa sine…gustong-gusto ko noong ref na gumagawa ng ice-cube…ano ka ba naman hanggang ngayon nakakalimutan mo pa rin i-zipper yang pantalon mo…sabi ng delikado lumabas ang tanim mong sili
sige lynne, papadalhan kita ng ice cubes na gawa sa ref namin. ilalagay ko sa balibayan box. hoy, hindi sili ang tanim ko kasi may alaga akong sawa.