narito ako sa taas ng mount apo para tulungan nga ang mga kaibigan kong gumawa ng kuryente. mayroon kasing kaunting problema sila sa ilang instrumento at kailangang palitan. ang problema, hindi pwedeng magsara ang planta habang pinapalitan ang mga instrumento kaya ang bayag ko ay nasa leeg parati – nininerbyos na baka may magawang mali at mag black out sa mindanao. pero tama na ang drama… may ibabalita akong ikinatuwa ko… pag pasok ko sa opisina ng planta ngayon, may sign na nakalagay: “BATJAY, JULY 18 T0 23”.
hehehe. sikat na ang “batjay” na palayaw ko kahit sa mga kaibigan ko sa industria.
batjay, welcome back! sikat ka talaga maski sa tuktok ng mt apo kilala blog mo heheh…
yes! sikat hanggang mindanao ang batjay ha! lufet!!!
have a good time jan sa davao, and magingat baka makuryente si putoy, lagot ka kay ate jet..heheheh
naks, sikat ka talaga bosing. teka, ibig mo bang sabihin ay ang bayag mo ang magbibigay ng pansamantalang kuryente sa mindanao, wa-wa-wow bosing!
uy, mabuti naman at natuloy ka pala dyan! *inggit* share some pictures ha, thanks!
hi eye – ang dami kong pictures. di ko lang alam kung kailan ako makakapag download. sarap sa mount apo. naka akyat ka na ba doon? pag holy week, marami kaming nakakasabay na mga climbers.
hi jop – oo, super betlog eh. hehehe. hindi, so sobrang nerbyos ko eh parating nasa leeg ang betlog ko. naka online kasi ang power plant habang pinapalitan ng instrument.