question and answer portion pa rin dear brader en sister. maraming salamat nga pala sa mga sumulat sa akin at nagtanong. heto na po ang partial reply.
T: ano ang ginagawa mo ngayon unkyel batjay?
S: nagsisimula ng bagong hobby – collection actually.T: collection ng alin, comics ni neil gaiman?
S: hindi. kinukulekta ko lahat ng kulangot ko simula nung miyerkules, tapos nilalagay ko sa kahon ng posporo.T: ano gagawin mo kung maging presidente si jinggoy estrada?
S: pupunta na lang ako sa mindanao para sumali sa bagong republika ni mayor duterte sa davao.T: ano itatawag ninyo sa bagong country na itatayo ninyo sa mindanao?
S: durian republicT: eh kung si JV Ejercito ang maging presidente?
S: itutuloy pa rin ang durian republic, tapos papalitan ko ang time zone para maiba ang oras namin sa luzon. oo, galit galit muna tayo.T: tutuo ba na muntik mo nang matamaan si mike arroyo ng golf ball sa ulo?
S: oo, na miss ko lang ang ulo niya by a few feet. nangyari ito sa wack wack nung late 90’s. VP pa lang si GMA. kung tinamaan ko sana si mike, malamang patay yon (at the very least, masisiraan ng ulo). it makes you wonder how a simple swing of a golf club could have changed history. kung tinamaan ko ang ulo ni mike, eh di sana wala nang problema si GMA ngayon.
sayang…. sana inutli mo para tamaan na… hehe š
ano po ang national fruit nyo kapag tinayo ang Durian Republic? Hmmmm.. lolz
ang national fruit namin pag natayo ang durian republic ay bayabas. ang vice national fruit naman ay ang kalabasa. pero teka muna, fruit ba ang kalabasa? o sige na nga, saging na saba na lang.
Tanong: Bakit hindi sumunod si Gloria kay Tita Cory?
Sagot: Kung si Kris, hindi sumusunod kay Cory, si Gloria pa kaya!
(At least si Gloria hindi nagtago “under the bed.”)
huwag naman maging inutil. hindi ko naman sinasadya na tirahin siya ng golf ball sa ulo. ayaw pa siguro siyang kunin ni lord.
hi march-1… nakikinig ka pala sa DZRH kanina. ginawang joke yan ni deo macalma sa espesyal na balita.
pati si kris, silent sa “the buzz” kahapon.
I dont listen to am/fm radio…i got it from CNN.hehehheh.(Seriously, i just thought about that…pasaway kasi si Cory)
Kung tatamaan mo din lang mylab, dapat puro na. Or pwede din kung sa frontal lobe mo siya tatamaan, baka magkaroon siya ng personality change at bumait. Remember ‘Regarding Henry’? hehehe
hi ulit march-1. ah talaga. magka wave length pala kayo ng komentarista sa radyo. magaling.
hello mylabopmayn. ngyahaha – oo nga ano parang regarding henry. gusto ko tuloy panoorin ulit yon.
salamar sa comment. lab U!
sayang di nasapul. Kung tinamaan kaya, mag-so-sorry ka ba? hehehe
nag sorry talaga ako kasi it was really close. akala ko talaga tatamaan.
hehehe… hindi po inutil yun… “inulit” dapat… soweeee
ah inulit ba. hindi ko na inulit baka sa nd try eh tamaan na talaga.
kung tinamaan ko yon, hindi na ako makakapag sorry kasi magtatago na ako. hehehe.
teka, sure ka bang yung golf ball at hindi yung golf club ang muntik tumama kay Mike A?
ano nga pala handicap mo, tsip? =)
Kung tinamaan mo yun, wala sanang Jose Pidal, no?
ano nga kaya noh. nakakatuwa. ngayon lang ulit ako nakacheck ng blog nyo, at natutuwa ako!
Batjay, I like the Durian Republic idea. Sama ako! Hahaha… except that I don’t like Durian that is.
Sayang, di mo natamaan si Big Mike. You could have changed history!
oo nga yasmin. yan din ang sabi ng boss ko every time we talk about it. he was with me when it happened. ok yung durian republic idea ano? pwede rin namang tacloban republic. ang tawag sa inyo ay mga taklob. hehe. joke lang.