PAMANGKIN: “tito batjay, bofriend ko po”
BOYFRIEND: “good afternoon po sir”
BATJAY: “anong ginagawa mo rito?”
BOYFRIEND: “dumadalaw lang po”
BATJAY: “tuli ka na ba?”
BOYFRIEND: “ano po yon?”
BATJAY: “ang sabi ko, tuli ka na ba?”
PAMANGKIN: “tito naman eh, huwag mong takutin”
pano yun unkel batjay kung tinanong ka din nya kung tuli ka??
😉
when i was around 10/11 y/o, may neighbour kami na gusto daw manligaw sabi nung isang tambay… without batting an eyelash sabi ko din “bakit tuli na ba sya?” hehehe
manyak kaya ako bata pa lang ako??
hmm, sinong pamangkin yan ha. kilala ba namin, tito batjay?
naalala ko tuloy yung kapatid ng waswit ko nung bata pa at katutuli lang. lahat daw ng pumasok sa bahay na lalaki tinatanong kung tuli na daw sila… pero di ka na 5 yrs old diba? hehehe.. kuya jok onli. pramis. mwah!
oo hindi na ako 5 years old. pero isip 5 years old pa rin, awa ng diyos.
hi tin,
hindi si sara. ngyehehe. hekshuli, lahat ng boypren ng mga pamangkin ko, tinatanong ko kung tuli na. tinitingnan ko lang kung marunong sumagot.
hi auee, ang pangalan na puro vowel.
pag may nagtanong sa akin kung tuli na ako eh di sasabihin ko na sungaw ako. baka nga manyak ka nung bata. mwehehe.
Naku Batjay, ito hindi stir.
Meron akong kaibigan na may pamangking babae na may namanhikan. Oo inoobserve pa rin ito ng ilang Filipino dito lalo ang boyfriend ay Pinoy.
Tanong-tanong ang mga kapatid ng babae hanggang yong panganay na masyadong mahigpit ang magtatanong na. Walang hingahan.
Nakakunot pa eh.
Tanong niya. TULI KA NA BA?
Tawanan lahat. hekhekhek
Naalala ko tuloy nung musmos pa ako, nung sinubukan ko manligaw sa kapitbahay namin sa probinsya (mag-oonse anyos pa lang ‘ko nun). Tanungin ba naman ako ng tatay nung bebot kung tuli na ako, tsk tsk. Sinagot ko nga, “Bakit kayo sabi ni Inday (katulong nila) supot din?”
‘Nga pala naging kami nung bebot (but that is another story). =)
salamat sa comment badz.
Ate Ca T!!!
Ngyahaha – actually, ako tinatanong ko talaga ito ng pabiro pag nagpakilala ang mga manliligaw at boypren ng mga pamangkin ko at mga anak ng kaibigan.
Pano kung yung bf ng kapatid mo tinawag kang “bayaw” sa harap ng mga kabarkada mo? ano gagawin nyo?
Ganito nangyari sa akin eh (eldest ako), di ako nakikialam sa kanila, di naman kami close ng bf nya… nairita ako.
Kaya everytime na dadalaw sya, sinasara ko ng malakas ang pinto tuwing lalabas at papasok ako, Blag!!! hehehe. Pati yung gate, ihahampas ko sa pagkakasarado… alam ng sister ko kung bakit, kaya nagbreak sila…
hehehehe… pati ex-siyota ng kapatid mo pala eh ginudtaym mo. kung sabagay medyo bastos nga ang tawagin kang bayaw. wala naman gagawa sa aking ng ganyan kasi may asawa nang lahat ang mga kapatid ko at saka bunso ako.
kuya batjay,naman bat tuli agad ang ask mo sa bf ng pamangkin mo,ayan,,,natakot 2loy…..
takot sya na baka di pa 2li ang bf nya,,,,heheheheh
pag subok lang yon para talagang makita kung hanggang saan ang resolve ng mga totoy.
parang yung batang mag-aaral pa lang for the first time no? “Sige nga, abot mo na ba tenga mo?”
the father of my ex asked me that, too.