hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.
Kung buhay pa ang Daddy mylab, I’m sure, madami na ako’ng narinig na kwento galing sa kanya. Somehow ang daling isipin nung panaginip mo, a lazy weekend afternoon sa bahay, may tig-isang boteng malamig na San Miguel beer kayo, habang nag-iihaw sa garden. It’s so real I can almost touch its essence.
Happy birthday Daddy! ð
for the first time, kuya batjay, nakabasa ako ng nakakaiyak na post mo. lalo na nung sinulat mo na napapanaginipan mo pa ang daddy mo.
i’m sure he’s happy knowing you and jet are doing great.
happy birthday to tito daddy DJ nick!
kuya batjay,
isa po kau sa 2nay na mapagmahal sa magulang
na touch po ako sa panaginip ninyo.kong nasan man
ngayon ang dAddy nyo,siguradong masaya yun.
kuya,
bilib din po ako sa inyu dahi iniingatan nyo po ang mga pic nyo noong kabatan
touching jay…
magkasunod na araw pala ng birthday ng daddy natin. happy birthday sa daddy mo… pag napanaginipan mo ulit sya, tangunin mo nga kung totoong sa langit walang beer.
hindi umiinom ang daddy ko eh. chicks lang ang bisyo niya at saka yosi. happy bday sa daddy mo.
thanks schatzli.
hi tin. salamat sa comment. naiyak ka ba? nag senti lang ako ng kaunti.
salamat din sa comment mo pilar.
oo nga mylab – recurring dream yan. parating happy setting sa garden tapos kwentuhan.
bosing,
napaka-heartfelt naman nitong post mong ito. happy bortday na rin kay daddy batjay. naisipan ko tuloy na bumait tuloy ng konti sa daddy ko.
naisipan ko lang naman, hehe. pero in all seriousness, napaluha ako sa post mo.
bat,
siguro, may special na anghel na binigay si San Pedro para i-monitor ang daddy mo. hehehe
nakakatouch nman tlga pag tungkol na sa pamilya ang blog mo bossing..
ibigsabihin plagi kau ni bossng jet binabantayan ng tatay mow..khit sa panaginip kasama k nya =)
Nakakaiyak. To lose a loved one is my greatest fear.
happy birthday, batjay’s dad! you did good, sir. really good.
happy birthday to your dad. na-touch ako sa post na to.:)
salamat. sasabihin ko sana makakarating ang bati mo pero naalala ko, hindi pala pwede.
pag andito ako, kadalasan, natatawa ako. pero ngayon, unexpectedly, nalungkot ako.
happy birthday na lang sa kanya at sana nga ay maraming anghel syang kalandian habang nag ce celebrate
ako man, naiiyak ako palagi. minsan sa kakatawa, minsan sa lungkot. eto alam mo na kung bakit….
dahil sa litrato mo….
siempre, patawa lang yung sinabi.
bigla nga akong napatawag sa tatay ko…kaso alas 2:30 am ng madaling araw. mamaya na lang…
it’s so nice to know someone as hilarious as you is pretty sentimental sometimes. kamuka mo si daddy mo batjay! pramis!
aaaanddd i believe may afterlife. and you’ll get to see him again some day..
buti sentimental sometimes lang. kamukha ko ba daddy ko? mas lamang ata siya ng kapogian sa akin ng mga tatlong paligo. salamat sa pagcomment dessagirl.
oo nga ka junnie.
samantalahin mo nang usap at chika sa daddy mo habang pwede pa. ako, i’d give anything just to spend an afternoon with my dad.
kaya lang di na pwede kaya sa panaginip na lang kami nag uusap.
di bale melissa, next time kikilitiin na lang kita para matawa ka. birthday kasi ng daddy ko last saturday, naalala ko lang siya kaya na senti ako.
thank you transience, i was supposed to say i’ll let him know but it’s kind of difficult at this stage.
ako rin evi. mahirap talaga to lose someone, lalo na kapag ikaw ang inaasahan.
oh carol. oo nga malambot kasi puso ko pag tungkol sa pamilya. parang mamon.
sana nga ate ca t. sana sexy na angel dela guardia.
hi jop. alala mo ba mommy mo kaya ka naluha? tagal na rin kayong hindi nagkikita ano? salamat sa pag comment. ingat!
Perskasin Batjay,
Lalag talaga ang panty! Natatandaan ko pa nuong bata pa ako nasa Rizal Coliseum tayo, si erpat mo at erpat ko pinagtitinginan ng mga girls dahil sa kanilang pagka guapohan, pero nang magsalita at marinig nila ang boses ni Uncle Nick, sa limang babaeng hindi magpaawat na lumapit, isa lang ang hindi ko nakitang lumaglag ang panty dahil ata wala talaga siyang panty. Anywho, dahil sa lubos na pagmamahalan sigurado akong aabot ang bati kong ito saiyo Uncle Nick, malagayang kaarawan po! napaka suwerte mong Ama. Sana paglumaki na ang aking mga anak, kahit isa lang sa kanila ay maging katulad ni Batjay para meron namang Robin. We miss u and Lab u! ð
DON LORENZO DE MODESTO!!!
oo nga. eh si tiyong anas pamatay ang hitsura. laglag panty ng mga chicks sa hitsurang sean connery ni erpats mo. astig na astig. hirap talaga ng guwapo ano – parating may humahabol.
very heartwarming, especially that I, too, love revisiting old pictures which carry with them old stories.
hi alfie. thanks for the comment. i do look at my old albums from time to time and look back.