gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo – si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung “super suspension of disbelief” angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na “da vinci code”. lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na – “hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail“. na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. ‘nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.
KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang “GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK“. sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.
Mylab, dapat nagpunta ka muna sa parlor ni Bien bago ka nagpapicture dyan. Yung kilay mo, kulang ng kurba… π Labyu!
oo nga mylab. ang kyut ko ano? per na akong maging pope. TOWTYUS TUOS! buhay pa kaya ang parlor sa talipapa? baka sikat na si bien.
ano kaya ang skeleton of the closet ng pope na ito?
that he struggles with the vow of chastity.
hahaha! kanina may nag send ng picture ni Pope, pinalit yung mukha ni Mr. Bean pero mas bagay pala sayo Uncle Batjay! hehehe…..
You made us laugh here in the opis. Favorite ka namin d2!
lam mo jay,
kanina nakapila ako sa Quiznos. May nauunang puting lalaki sa akin . May putok. baHO. Nalalala kita. Hindi sa baho kung di dahil alam kong inis ka sa may amoy. Sasabihin ko sana kung kailan siya huling nakakita ng tubig.
haha.. super suspension of disbelief nga π pero bagay kang mag Pope kesa kay Rowan Atkinson π
ok nga yung pace ng story – hirap lang paniwalaan yung “antimatter bomb” at iba pang mga super duper dat’s inkredibol imbensyons. magkamukha nga kami ni pope bean
hehehe… ayos Ate Ca T. everytime may maamoy kang anghit, ako ang naiisip mo. iba talaga ang imfluence ko sa mga tao.
yung gumawa ng mister bean pope picture ay ang aming kaibigang artist na si polo d’ great. ang bilis palang kumalat nun. kagabi lang niya ginawa eh naka abot na sa inyo. hehehe. salamat sa pag comment, lina. ikamusta mo na lang ako sa mga taga riyan sa opis ninyo at pakisabi thank you sa pag dalaw sa site ko. sana huwag kayong mahuli ng boss ninyo. hehe. sana di rin ito mabasa ng boss mo.
Ano nga kaya’t ganyan ang hitsura ng na elect na Pope? Palagay ko, siya na ang huling magiging pope at mag mimiss by about two popes yung prophesy sa malacchi. hehe
Mabuhay si Pope BatJay the First. Pag ikaw na ang Pope, kuhanin mo kami ni Tito Rolly na in-charge sa mga convent ng mga nuns ha. Nagbibiro lang po. π
haha, di kaya maging muslim na lang lahat pag ikaw na ang naging pope?
init ng ulo ko kahapon, palpak mga na order ko na stocks naisip ko dumaan muna dito.. buti nakita ko si Pope de Pers.. ahahay salamat! at napalamig nyo ulo ko.. sa taas ha? heheheh More power!
Doomsday pag-ikaw ang naging pope….magugunaw na ang mundo!!! save ko nga picture mo….gagawin kong wallpaper para lagi akong magdadasal…di pa ako handa sa end of the world….
sige lynne. gawin mong wall paper ang pope picture ko. demonyita ka rin naman eh. hehehe. musta na diyan sa pilipinas. friday na naman – sarap ng weekend ano?
Habemus Fafam.Viva pope batjay dapers
Mukhang familiar itong bagong pope na ito n ah….kambal siguro ni Darna.
Ok ka talaga Unkel napaiyak mo na naman ako sa tawa hehehe.
maraming salamat sa pag comment joel – sana naihi ka rin para terno: iyak sa taas, iyak sa ibaba.
hi joseph. salamat sa pag comment. sana naman eh naayos na ang mga stock mo. baka lumabo ang mata mo sa inis kaya cool ka lang.
hi ana_medrana. di naman siguro. baka nga lalo silang maging katoliko kasi maaakit sila sa kyut kong mukha. hehe
sige doc, pag ako ang naging pope, kukunin ko si tito rolly na prefect of discipline ng mga madre.
hehehe… baka maraming lumipat sa iglesia ni kristo ano, tito rolly.