nag family christmas party kami ngayong gabi. celebration na rin ito dahil ok ang heart operation ng kapatid ko. nakalabas na siya sa hospital nung 31st at nag spend ng new year sa bahay. siyempre di pwedeng walang kantahan sa party ng mga david kaya nagbida ulit ang apo kong si TJ… “christmas in our hearts” ulit for the 100th time. meanwhile, may kaunting downtime pa rin sa site ko. naglipat ako ng server. simula kahapon ay busy si yuga sa pag transfer ng mga files ko sa PLOGHOST, kaya huwag kayong magtaka kung medyo bungi pa ang nakikita ninyo rito kasi mahigit 500 MB ang ililipat.
tatlong araw na lang pala at lilipad na kaming pabalik sa singapore. gardemet. mawawala na ang nakakalokong ngiti in a few days. simula nga kahapon, puro paalaman na ang nangyayari.
happy new year ser! mukhang tuwang tuwa ka sa picture ah hehe
inaasar ko kasi si TJ. after a few lines ng pagkanta niya ay nagchu-chuwariwap ako. ayaw niya ng may kasali sa kanta kaya inuulit niya from the top. kaya yon… parang sirang plaka – “christmas in our hearts” again and again and again…
yupppeeee nakalbas na kuya mo!!!! natutuwa ako sa mga kwentong ganyan….. (big smile on my face) dude balik ka na pala ng singapore ….(ngiwi ng konti) basta keep on bloggin dude. BATJAY ROCK!!!!!
kabarangay ka na pala namin nina sassy, mlq, at prem.
alis na pala kayo.
sayang di man lang tayo nakapag-conspiracy.
ingat na lang. hanggang sa muling pag-uwi niyo.
HAPPY NEW YEAR….
akala ko mabagal lng talaga PC ko kaya maraming BUNGI ang site mo…un pala naglilipat ka..hehehe..
alis ka na pala kaya ito pabaon ko…
“babalik ka rin….babalik at babalik ka rin…” kinantahan kita ng makabagbag damdaming awitin ni GARY V. hehehe…
keep bloggin kuya BATJAY…
Grabeh, libo-libo pala yung mga files mo. Kahapon ng umaga pa ako nag umpisa mag upload and inabot na kaninang umaga. May mga konti pa yata na hindi na upload. I will double check kung alin but mostly dun sa kodakan section.
Happy New Year!
hahaha! i can relate. kaso po during my “time” na ako ang superstar ng pamilya ang kanta ko naman ay “crazy for you” ni madonna, kahit pasko, bagong taon o kaya reunion basta may tipon-tipon. lalaki yang batang yan at tatanungin bakit di sya binigyan ng malaking talent fee.hehhee. kakatuwa po tong site na to.
if its ok with you daan po ako ulit 🙂
happy new year, jay and jet!!!
ang saya-saya kanina sa dinner… maraming-maraming salamat!!!
please e-mail me your address in singapore.
din2
Happy New Year DinDin!