huwag na kayong magtaka sa mga balitang maraming inaatake sa puso pag pasko. nung panahong nasa heart center pa si jet nagtatrabaho at sinusundo ko siya, nakita ko na around christmas time, ang emergency room ng hospital ay standing room only. hindi ito exaggeration. mahilig kasi tayo sa mga party at ang mga pagkaing hinahanda natin ay heart attack food. tulad nitong “warik-warik”, ang ilocano version ng sisig. hitsura pa lang ay magpapabilis na sa tibok ng puso mo. simple lang itong gawin – hinalong crispy pork liempo na maraming taba, pinakuluang utak ng baboy, calamansi at sibuyas na hilaw. masarap siya, kaya nga lang eh sa bawat subo ay parang ibinabaon ka nang dahan-dahan sa hukay. merry christmas sa inyong lahat. sana hindi tayo magkita-kita sa hospital ngayong kapaskuhan.
Huli na po ba ang pagbati ko? Pasensiya na po, mukhang naha-high blood rin ako sa dami ng Spam na niregalo sa ‘kin ngayong Pasko.
Hemingway, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! π
Pingback: PARALLEL UNIVERSES
Naku mylab, buti na lang di ka kumain ng marami. Lumaki ako na kilala yang pulutan na yan pero ni minsan di ko nakuhang tikman.
Anyway, salamat sa isa na namang merry Christmas mylab. Labyu!
maraming salamat sa bati T. walang sinabi ang SPAM mo doon sa warik-warik. iniisip ko pa lang nga ngayon, nahihilo na ako.
medyo di ko rin kayang kumain ng warik-warik. parang ayaw pumasok sa bibig ko dahil sa sobrang taba. pakiramdam ko eh nagrereklamo ang katawan ko sa hitsura pa lang.
lab U 2.
Yan ang pagkaing pampabata — kasi di ka na tatanda! hihihi
gusto kong tumanda!
ayoko na nito.