GASPING AT GLIMPSES OF GENTLE TRUE SPIRIT, HE RUNS, WISHING HE COULD FLY

TOPLESS SI BATJAY PERO DI KITA ANG UTONG. CLICK PIC TO ENLARGE SABI SA BALITA: “may fine daw na P500 pag nakita kang shirtless in public sa metro manila“. sabi ni MMDA chairman bayani fernando: “sign of decay in moral and cultural values” daw ito. decay in moral values? putangina, what is he trying to exit (in madertang: “ano ang gusto niyang palabasin”) by saying this? pero, patay tayo diyan pag na enforce ito, dahil ang hilig ko pa namang maglakad ng naka hubad sa mundong ibabaw. uuwi ako sa end of the month, kaya nag imbento ako ng damit na pwedeng isuot sa maynila para hindi makotongan mahuli. ayan, tingnan ninyo sa picture (click to enlarge). ang tawag ko riyan sa aking imbensyon ay “THE EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG”. simple lang ang material – scotch tape at papel na dilaw. o, teka lang. huwag nyong masyadong tingnan yung boobs ko, baka ma arouse kayo niyan.

62 thoughts on “GASPING AT GLIMPSES OF GENTLE TRUE SPIRIT, HE RUNS, WISHING HE COULD FLY

  1. hi bongK.

    post-it nga ata ang ginamit ko (yellow stickies ang tawag dito). kaya lang hindi dumikit dahil siguro masyadong malaki ang boobs ko. hehe. baka siguro sa oil ng aking katawan. in any case – scotch tape lang, solve na. kaya lang masakit pag tinanggal kasi dumidikit sa buhok.

    sige subukan mo diyan sa maynila ang shirt style ko, tungnan mo kung mahuhuli ka ng MMDA.

  2. Nakita mo ba sa TV yung nahuli? Ang dami. Wala namang kulong. Seminar lang sa perstaym na mahuli ka. Tawa nga din ako ng tawa. Sa probinsya namin, mas madami sigurong mahhuhuli. Halos lahat doon ng lalaki naka-topless umaga, tanghali, gabi. Hehehe. Ano bang masama doon? Eh mainit naman talaga dito sa Pilipinas?!? Crap din ang dating sa akin noong ‘moral decay’ alibi ni Bayani. Di bale, pagdating mo naman dito dahil -ber na at taga-Antipolo ka pa, di ka na siguro kelangan magtanggal ng tshirt kasi malamig na naman.

  3. marami bang nahuli doc? di ko napanood dahil walang filipino channel sa singapore. sayang. nakakatawa nga sigurong panoorin yon. dito sa singapore, maraming mga topless male joggers. pero other than than, walang barebreasted males.

    next time, ang gagawin ko na lang ay maglalakad ng nakahubo’t hubad para sign of protest – PERO, may takip na supot sa ulo kasi shy ako eh. hehehehehe.

  4. hahahaha…..hayyyy….i can just imagine pagnakita na ni eder ‘tong post mo na ‘to…haha!! uy…ano nga pala email address mo para mapadala ko na yung file and some spidey pictures from my camera. text mo na lang, can?

  5. hi leah! batjay@ gmail.com – doon mo na lang padala. hehehe… huwag kang tatawa ng malakas sa opisina baka makita ka ng boss mo. kamusta na lang kay pareng eder. sabihin mo huwag pipipgilin ang tawa at baka madighay siya sa pwet.

  6. Pingback: velvetyn.com

  7. hehehehe… uy, doc!

    gusto ko ang mga usapang ganyan – music. mahilig ka pala sa CSNY at napansin mo ang lyrics ng isa sa mga pinakapaborito kong kanta.

    bakit nga ba lines from the song “helplessly hoping” ang ginamit ko sa post na ito – siguro kasi iniisip ko, pag may nakakita sa picture ko na mga medyo conservative na kakalabas lang sa kumbento ay baka mag “gasp” sila pag na “glimpes” nila ang boobs ko.

  8. Mahilig, oo. Pero wag magkamali ha. Di pa ako pinanganak nung panahon nina Crosby, Stills, and Nash. Almost all music, oks naman saken, wag lang techno at grunge — wala akong makuhang sense kasi.

    Akala ko naman helplessly hoping kasi umaasa ka na medyo magkaroon naman ng sensibilidad ang mga gumagawa ng new policies dito sa atin. Pinagt-tripan lang yung mga tambay at walang gaanong ginagawa. Kawawa naman.

    Kagabi I watched the Human Stain sa DVD and merong music doon na siguro alam din nyo ni Tito Rolly: Cheek to Cheek ni Sinatra. Makaluma taste ko minsan dahil puro ganito pampatulog sa aking nung sanggol pa ako. Na-saturate siguro.

  9. Di nga panganak si Dok ng panahon ng CSNY. Nakalimutan na niya yung ibig sabihin ng Y e. hehehe.

    “Almost cut my hair…”

    Pwede nga kayang gamitin yang style mo? Parati rin akong nakahubad sa bahay at pag lumabas ako para bumili ng sigarilyo, nakakalimutan kong mag- t-shirt. Di bale, me bigating abogado naman tayong kaibigan e. hehehe

  10. asamateropak, kinakanta ko ang “almost cut my hair” just the other day. pardon the pun (of sorts). narinig ko kasi sa sa music player ko. a few years ago i got a CD copy of the “deja vu” record of CNSY. boy, did it bring back a lot of memories.

    hey tito rolly, subukan mo nga ang invention ko. tingnan mo kung huhulihin ka ng MMDA. pwede natin sigurong i-prove sa court na wearing my SUPER DUPER PANTAKIP SA UTONG” does not violate that MMDA rule.

    ingat!

  11. hi mec!

    oo pumayat na nga ako. panay kasi ang ano ko eh – exercise. jogging sa umaga, bike sa gabi. pero kulang pa rin. ni retoke ko lang yang picture. pinahaba ko para muka akong payat. tapos, from the breast up lang ang picture para di kita ang mala butete kong tiyan.

    pero teka lang, yang WHITE BIRD ba eh gay bar? or agogo banana for women? matagal ko na kasing gustong magsayaw sa harap ng maraming tao na naka string bikini lang na see-through. dati kasi akong sexy macho dancer pero ngayon, gigolo na lang ako.

  12. yun lang pala eh. gusto mo magsuot pa ako ng yellow underwear at saka yellow bonnet para terno. tapos doon ako tatayo sa harap ng rebulto ni ninoy aquino bilang pag protesta sa no topless policy ng MMDA.

    asan na ang sore eye couple? nasayang lang yung pinaluto kong lechon at yung pinareserve ko na private island.

  13. hello mylabopmayn!

    nagustuhan mo ba ang piktyur ko? ang galing ano? kita boobs pero walang nipple. tawa nga ng tawa si leah eh. ipapakita raw niya kay eder.

    uwi akong maaga ngayon tapos mag grocery tayo. baka pwede ring manood ng sine. palabas na ata yung kay tom hanks.

  14. sige ate sassy – topless tayong lahat with matching na dilaw na underwear. tapos doon tayo mag rally sa harap ng rebulto ni ninoy.

    pupunitin natin ang ating mga sedula tapos maghahawak-hawak tayong lahat ng kamay at sabay-sabay nating isisigaw: “SEKSI!”

  15. huy jay, umubra na sana yung “THE EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG” invention mo nung nag try ako kanina sa office, pero pinilit akong mag suotin ng kurbata para daw maging pormal, kase naman kase si Bayani eh… magandang gabi sa inyo ni jet!

  16. moral values? lagyan pa din ba ng malisya ang pag ikot ng mga lalake na hindi naka t-shirt. e, ang init nga eh. Kung pwede lang ako mag tanggal ng pang itaas pag nasa pinas dahil sa init, e di ginawa ko din! susme!!!

  17. funny! pero akala ko ang english sa “ano’ng gusto niyang palabasin” ay “what does he want to orgasm”. mali pala ako.

    -ems lurker girl

  18. sus, fafa, eh di kung ayaw ni bayani ng shirtless male sa metro manila, papayag na ako. Pagsuotin na sila ng mga pantaas nila, sige na!

    … basta papayagan nya ang “pants-less” na mga lalaki na rumampa sa kalye.

    eh sobrang init nga kasi, no!

    (hehehe)

  19. di kaya pwedeng star na lang ang itakip mo? diba yun yung ginagawa nilang pantakip sa mga sexy stars na nasa cover ng Abante? 🙂
    hehehe, i like that one with the bike helmet on.

  20. Haydee dai-dee-dai-dee-dai!

    thanks for commenting. hehehe… oo nga, i was thingking of making a star shaped EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG but i had no time.

    sige, padalhan kita ng autographed photo ng topless with bike helmet pic. bwahahahahaha!

  21. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    punta kaming indonesia ngayon. may isla malapit dito sa singapore – BATAM island. weekend special namin ni jet.

    kaya – HEHEHE, siguradong topless ako mamaya. pag may nanghuli sa akin na taga MMDA sa indonesia, lulunurin ko.

  22. hehehe…. dinaig mo yung nipple shield ni janet jackson.

    matanong ko lang jay….magkano naman daw ang fine kung mahuli na walang brief pero me damit?

  23. sir roland. ok ba? pwede na ba akong kumanta sa next sa super bowl? hehehe… SAGOT SA TANONG MO: magkano naman daw ang fine kung mahuli na walang brief pero me damit?

    kung ikaw ay mahuli na walang brief pero may damit, dapat yung MMDA ang mag bayad sa iyo ng 500 pesos!

    BWAHAHAHA!

  24. hehehehe… so kung ako pala ay naka birthday suit lang ay quits lang at wala akong babayaran….hehehe..mas presko pa.

    super bowl…puede siguro, baka nga mas type ka pa ni justin timberlake kesa ke janet… hehehe.

  25. *rolling on the floor laughing* grabe na talaga to. i love the “madertang” translations. priceless! you should patent your invention, kuya, para di victoria secret ang makinabang.

    i’ve seen “beaches” di ba best friends story yan? but i didn’t catch the “over-the-shoulder-boulder-holder” thing.

  26. details gail, the fun is in the details. the song was sung by ceci (bette midler) in the scene where she was starring in a musical directed by her husband. in the scene, they were acting out the story about the origin of the bra. nakakatawa. rent the film again and pay attention. or, you can get the soundtrack and just listen to the song.

    mayron na akong version 2 ng aking imbensyon – i might blog about it next week. or maybe sooner. who knows. it depends on my whim. hehe.

  27. pang-playboy…ka-sexy mo naman, yari ka kay Jet.
    and naku, kawawa naman yung mga boys bawal alang t-shirt…pano kung may pambili nga ng t-shirt eh wala namang pambili ng salawal…bwahahaha
    susme! ka-aga-aga sa alemanya humahalakhak ako

  28. I agree with MMDA Chairman Bayani Fernando. Walking around shirtless is a “sign of decay in moral and cultural values”, and therefore I support his program. Why? Precisely because of modesty. Modesty should be excercised even around other people; especially when around other people. It is then completely unnecessary and even unfit to judge such a program. This is not at all funny. If we all laugh at such a problem like this, and to such absurd “answers,” we are not doing anything but to contribute to this moral decay that is very apparent.

  29. dear concerned dan,

    thank you for your comment. i appreciate that you took the time to write down what you feel. i don’t agree with what you’re saying, and if i were a person whose morals have decayed, i’d probably say – “stick it where the sun don’t shine”. but i am not and i won’t. i think that you are nitpicking because you’re probobly bored or perhaps you really are a conservative person who has lost his sense of humor. that really is sad. ease up a bit.

    once again, thank you very much and have a great day!

    take care,
    jay

  30. I am very to disappoint you but what you have just wrote is an example of argumentum ad hominem (i.e. argument against the person). You seem to be missing the whole point here. Morality is objective, and therefore no one can bend it for his/her own good. And I believe that making fun of something, especially with connections to morality, is not at all humorous. If, for example, I make fun of your work, is that funny? I don’t think so. If I make fun of you because of what you believe in, is that a manifestation of my sense of humor? I don’t think so. “Making fun” of something is very much different from “sense of humor.” We can manifest our sense of humor in ways that cannot and will not offend others. I’m very sorry again to disappoint you but I DO have a sense of humor, and I am responsible for the manifestations of my sense of humor, for sense of humor should be used responsibly.
    I also believe that using the term ‘nitpicking’ is not at all applicable in this situation, because this is a serious matter, and not something that we can just brush away.

Leave a reply to The Circumcised Tambay Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.