kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.
burrppp!
sarap mylab! haaay!… o sige, ligpit mo na kinainan natin. tulog muna ko ha. labyu! 🙂
buti naman at nagustuhan mo ang inihanda ko mylabopmayn.
at saka, no problem nga pala. iwan mo na sa akin lahat ang house work at matulog ka na. iligpit ko ang kinainan natin habang kumakain ng bubog at tumutulay sa alambre. jackol of all trades ata ako.
Wow. Ang galing-galing naman. Baka dapat ikaw na ang magluto buong weekend 🙂
“Prodigal chef”, ha? Sige, ituloy mo! Para matuto naman kami ng Pinoy cooking a la Singapore.
eh hinay hinay lang ate sassy… prito prito muna ngayon. bukas, luluhod ang mga kare-kare sa akin.
Galing pati presentation mo, bosing. At di pa yun, two recipes in one. mamayang gabi, japanese food na yan. Tirayaki. Ikaw magluluto ng pulutan pag nagkita tayo ha.
no problem. pulutan lang pala. masarap ang inihaw ko at saka yung pepper steak. iniisip ko pa lang naglalaway na ako. hehe.
renaissance girl ako pero hindi ako marunong magluto (dessert magaling ako — pang-ulam hindi). i only pick my nose in the shower, walang tunog ang dighay ko, pati ang aking ahem … utot (mas matindi ang smell nu’n).
kailangan na ba akong magpalit ng pangalan?
extreme renaissance girl?
oh shucks nakaka gutom ka mister jay! patry naman niyan luto mo! mukhang masarap!
punta ka rito tanya, ipagluluto kita.
Batjay,
gano kadalas ka magpa-check ng Lipid Profile mo? Nagpa-ECG ka na ba? Hinay-hinay lang sa prito ha…Coconut oil ba ginamit mo pang-prito?
Grabe, ako nagpipigil sa prito…pero sa totoo lang, masarap sya!
Marunong ka ba kung gaano katagal ang pagbabad ng munggo para gawing toge? Tubig lang ba ihahalo?
naku manang. di ko alam ang lipid profile ko. di ko nga alam na may profile ang mga lipids. hehe. kakatapos ko pa lang magpa ECG. wala naman sinabi sa akin na matakaw ako. virgin olive oil ginagamit ko sa weekend prito.
nagbabawas na kami ni jet ngayon as mga baboy dishes at overall naka diet na rin ako. potential diabetes candidate daw kasi ako.
daily walk at evening bike ang exercise routine ko everyday at huminto na rin akong manigarillo six weeks ago.
nakakabili ng toge rito kasi. di mo na kailangan magbabad ng monggo sa tubig. sarap nga ng ginisa ko. mwahaha.
sige, next kitakits sa bahay nyo naman ha! para makatikim kami ng masarap na luto mo, hehe. 🙂
no problem tin.
anytime. huwag lang mga complicated na luto ha… prito prito lang muna. hehe