alas dos ng madaling araw ngayon. nagising ako ng wala sa oras, tumatawa ng malakas. napanaginipan ko kasi si na lumapit daw ako sa opisina ni FPJ para humingi ng tulong. kasama ko ang kaibigan kong si raymund. sa panaginip ko, naka-usap namin mismo si “da king”. lumapit si raymund para humingi ng pampagamot sa tulo. ako naman humingi ng pampagamot sa allergy ko sa hipon.
doon sa panaginip ko, suot niya yung costume sa pelikulang “ANG PANDAY, part 1” (incidentally, ito ang paborito kong pelikula niya na naging subject pa nga ng movie report sa pilipino class na ginawa ko nung 2nd year high school). i digress. anyway, pagtapos kong ikuwento ang aking suliranin, lumapit si FPJ, inakbayan ako at sinabi na pabulong (in character na parang si flavio, hawak hawak pa ang kanyang itak): “bakit, may allergy ka ba sa hipon?”
i shit you not, this is a true story… nagkatutuo na ata ang bangungot ng bayan google bomb na kumakalat sa internet. or much worse – this is FPJ’s revenge. pero teka muna, ano kaya ang kahulugan nito? at saka, bakit wala si susan roces sa panaginip ko?
oo nga pala, happy labor days! este happy labor’s day! isang mapagpalayang araw para sa lahat ng mangagawang pinoy. lalo na sa mga tulad naming HO-HEFF-DABALYU.
hahaha… champion nightmare yan. katawa naman… kahapon bumili ako ng ponkard pantawag sa pilipinas para sa kaibigan kong bumibisita dito. ang nabili kong kard ay ‘da king’ at may caricature ni fpj wearing those big sunglasses at parang nakapanamit elvis. hanggang sa ponkard nangangampanya ang loko! may pabonus pa, $5.00 for 75 minutes… mapapabili ka talaga…
kaya heto ako, 3:00 AM at gising pa rin. di na siguro ako makakatulog.
ok yan ah. mayron palang ponkard si FPJ. bumili ka ng marami. i’m sure, not only will it give you extra minutes, but one day (and that day may never come) it could be worth a lot when it becomes “pinoy election memorabilia”.
Buset na fpj yan, nagising ka tuloy ng wala sa oras… hehe.
Mylab, bakit naman sa lahat ng ico-complain ni Mon e tulo pa? Baka magalit si Marlene… ehehe ;P
di ko alam mylab kung bakit nagkaganoon. panaginip, matalinhaga talaga yan.
nakupo! bangungot talaga. yung mga campaign ad nya sa tv, nakakabanas – feeling panday pa din, pati posing nya. ang oa. wahahaha!
araw ng manggagawa – mabuhay! 😀
sayang di ko nakikita ang mga campaign ads at ang mga posters. which is just as well. marumi na naman siguro ang buong pilipinas dahil sa mga nakapaskil sa mga pader.
bawal emehe sa padir. ang maholi bogbog.
Naku batjay! di ba sabi nila baliktad lagi kahulugan ng mga panaginip..baka ang ibig sabihin nito si FPJ ang humingi ng tulong mo para mabuto! ngeee!
ngyehehehehehe… hindi naman parating baligtad ms. tiptoes. yung iba nga, parang fantasy. tulad ng panaginip ko tungkol sa panday.
i pa interpret kaya natin kay MissP;-)
kc if you’d ask me to assess it,will assess it accdg to Sigmund Freud’s ‘The Interpretation of Dreams ‘Ay,mahirap na !!hehe( Jk ) ingats sila
ayoko ngang magpa interpret ng panaginip. dagdag lang yan sa palaisipan eh. hehe.
what a coincidence! tawa ako ng tawa ng nabasa ko ito. binangungot din ako kagabi.
kuyang! talaga bang nakakabangungot si fpj?
hello ate kiwi. nabasa ko nga ang post mo. baka may secret dreaming weapon si da king.
Aha.. laman ng isip mo si FPJ ano? Hehe. Naku, baka it’s a sign of bad things to come if FPJ wins. Wag naman sana..