ang advantages at disadvantages ng malaki ang tiyan
ADVANTAGES:
1. pwedeng patungan ng tasa pag umiinom ng kape
2. mas masarap kamutin pagkatapos kumain
3. mas madaling lumutang pag nag swimming sa dagat
4. hindi mo na kailangan ng arm rest pag nanood ng sine
5. pag sumakay ka ng jeep, hindi ka pagbabayarin ng driver
DISADVANTAGES:
1. pag nagpunta ka sa beerhouse, sisigaw ang mga bouncer ng “RAID”
2. mahirap lumuhod sa loob ng simbahan
3. mahirap lumuhod sa labas ng simbahan
4. nawawalan ka ng oxygen sa utak pag nagtali ka ng sapatos
5. hindi mo makita ang titi mo pag umihi ka
pag malaki ang tiyan:
pwede kang mapagkamalang pulis
pwede kang mapagkamalang buntis
mahirap sumabit sa jeep o kaya sa estribo
pwede sa sumo wrestling
baka may bulate
bwehehehehehe… ayos. salamat sa comment, natawa ako.
pag malaki ang tyan mo:
mukha kang lasenggo,
pag may nakita kang limangpiso sa sahig, di mo kukunin, mahirap yumuko!
at pinakamasama sa lahat…
di mo makikita pototoy mo!
1 advantage I’ve witness is kung may baby ka at malaki tyan mo, may instant unan si baby anywhere you go
pag malaki ang tyan mo, pwedeng isipin ng mga tao na masarap magluto ang misis mo… hehehe
di bale na. Nakakapa ko pa naman- – – ang sintas ng sapatos ko.
tawa ng tawa si coby
pag malaki ang tiyan mo, at malaki rin ang tiyan ng misis mo, naku patay tayo dyan. see-saw 😀
KB,
Pag malaki ang tiyan mo, puwede kang kumuha ng 2nd job as Santa Claus sa mall.
Your friendly neighbor
PS – Eh masarap talaga magluto ang misis mo! Suwerte ka nalang hindi talaga malaki ang tiyan mo. 🙂
reminds me of homer simpson 🙂
…with beer and all, running a nuclear plant.
Saint Gigi!!!
Advance Happy Thanksgiving. OO nga sarap kumain kaya laki tiyan.
Ingat!
uy kinky yung see-saw, eye. na imagine ko eh parang masarap.
ayos yan tito rolly, pag nakakapa mo pa ang sapatos mo at hindi ka nahihimatay dahil wala nang dugo ang ulo mo – eh ok pa yan.
masarap na naman talagang magluto mylab.
instant unan? papaliit na lang ako ng tiyan tapos bibili na lang ng unan.
salamat sa tula, roamee.
hindi ko magets…bakit hindi ka pababayaran sa jeepney? dahil hindi ka nila papasakayin? yun ba?
yung mga malalaking tiyan eh minsan napapagkamalang pulis at hindi na pinagbabayad ng jeepney driver.