kaunti lang ang nakaka alam na nagpunta ang world renowned renaissance artist na si michelangelo sa pilipinas para gawan ng sculpture ang isa sa mga ancestors ko. alam ninyo naman na galing kami sa lahi ni (ahem) haring david at ang mga ancestors ko ang ginawa niyang model doon sa actual david statue na nasa italy ngayon. in fact, kung makikita ninyo sa litrato, napakaraming similarities between the actual david statue and this pinoy david statue (please see photo). ang nag-iba lang ay ang hitsura ng mukha ng pinoy version ng david dahil siyempre asian looking yung facial features nito. isa pa, mas malaki yung pototoy ng pinoy version (tinakpan ko lang ng yellow smudge para walang magreklamo ng nudity sa site ko). pero other than that, talagang identical copies ang ginawa ni michelangelo. muntik na ring hindi natuloy ang commissioning ng sculpture dahil napansin ng mga kamag-anak namin na hindi pantay ang betlog ni haring david. para daw luslos at medyo mas malaki yung kaliwang betlog. dito nag flare up si michelangelo – wala raw kaming taste for art dahil hindi raw namin naintindihan ang ibig sabihin ng perspective. ang sabi naman ng mga ninuno ko sa kanya ay – “there’s no such thing as testicle perspective” and that “he can stick his perspective where the sun don’t shine”. sa pagkakagalit na ito siguro nagsimila ang mga tsismis tungkol sa authenticity ng sculpture na ito. hindi raw possible na makakagawa si michelangelo ng ganoong kagandang sculpture. kaya ang ginawa ng ating tempestuous na artist ay pinirmahan niya ang kanang pisngi ng pwet ni david (CLICK HERE to view) bilang patunay na siya nga ang gumawa ng obra na ito.
anak ng tipaklong! you posted it! aahhh, pero nilagayan mo ng yellow smudge….buti na lang di na mahuhulog sa upuan mga magbabasa nito katatawa. =)
eniwey, saludo pa din ako sayo bosing!!!
ano kaya isusunod dito?
parang hindi nga maganda ang pagkalagay ko ng yellow smudge. marami tuloy mga imagination ang maglalaro tungkol sa tutuong size ng genitals ni david.
hehehehe.
maraming salamat ulit kay polo d’twisted para sa pag gawa ng obra maestra na ito.
nyahahaha
fafa jay.. we’re not worthy!!!
Hi Mec.
Hehehe… I don’t know what to say. It’s all just smoke and mirrors as my old friend Neil Gaiman would proclaim.
Teka muna – you’re not worthy of what ba? The Humor or the extremely long yellow smudge?
bago ako umuwi, nagbrowse ulit ako at voila! eto ang nakita ko! hahaha! at may suot ka pang helmet (di ba yan yung biking helmet mo?).
okay ka talaga sa olrayt fafajay 🙂
Alam ba ng mga kaibigan mo na yan ay matagal mo ng ilusyon….anyway, dreaming is not bad unless you forgot to wake up….sige keep on dreaming my ever dearest friend…
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhayyyyy!!!
MABUHAY!
hi mari.
yan nga ang biking helmet na minana ko pa sa mga ninuno ko. BWEHEHE.
hi lynne.
kamusta na diyan sa pilipinas? nami miss mo na naman ako ano. hehe. natanggap mo na ba ang pinadala sa iyo ni jet?
Bwwhahahahaha Loko ka batjay! hinika ako sa kakakatawa sayo 😀
teka lang. bago ka hikain, humuli muna tayo ng butiki.
pasmado ka rin ba?
kung pasmado ka at may hika… kainin mo yung butiki habang umiihi.
susmaryosep. di ko akalain na pinoy pala ang model ng david! salamat sa edukasyon. 🙂
Hanep, iba na dating ng malagyan ng yellow smudge. Mala John Holmes ng talaga. Bosing, bakit magkaiba yata ang posing nung harap at likod na may pirma ni michaelangelo?
Alam ko na, hindi naman si Michaelangelo Buonarotti ang gumawa nung likod e. michaelangelo ng ninja turtles yun, na tinulungan nila Donatello, di ba?
tama ka tito rolly. si michelangelo ng ninja turtles ang pumirma. bwahaha. kaya siguro saliwa ang pirma.
walang anuman jessie. marami ka talagang matututunan dito.
hahaha… astig yung ginawa mo kay michaelangelo.. galing!!! 🙂
P’reng Jay,
Puwede bang pakiribbon yong yellow. Masyadong mahaba.
Ulkkk! Ano ba yan muntik na akong mabilaukan ng masilayan ko iyang ano … Hahaha!! Okay sa alright ka talaga. Para akong sira dito tumatawang mag-isa.
kamusta na manang celiaK!
ayos ba yung statue ni david? all the more reason to cross the channel and spend a few days in the boot of italy. para naman makita mo yung original na david – ang pagkakaalam ko ay tapos na rin sa wakas yung restoration and cleaning na ginawa sa sculpture na ito.
ingat!
Hi D’ Ca T!!!
itatali ko na nga yang ribbon na yan at isasampay sa matandang puno ng oak.
ano ba ang oak sa tagalog? matandang palaka?
i raise the roof to YOU!
Alien! Alien!
sige pegasus,
iwagayway na natin ang ating mga puting bimpo at sabay sabay nating isigaw: “SEKSI!”
thanks for visiting my site karla. i’ve been to your site this morning and was reading your post about looking for work. it’s a bit tough isn’t it, when your parents are second guessing your every move. it reminds me of the character dustin hoffman played in “the graduate”.
Ang lufetttt!!!! Akala ko pang-email lang ito.
Pero, di kaya may yellow smudge para di mabuking na… hindi sya circumcised? hahahahaha
grabe, samid ako sa kakatawa!
master-piece ko din ang david…sa crosstitch. 🙂
Hindi ko po kinaya ang larawan. Sabi ko na nga ba’t kulang ang units ko sa Art Appreciation at kulang ang mga itinuturo sa amin sa Art History…
ayos batjay, buong-buo na naman ang araw ko dahil sa halakhak na idinulot nitong statue! hahaha! bakit nga pala dilaw ang napili mong kulay ng smudge? 😀
as opposed to what color? may suggestion ka ba? hehehe…
seriously: for contrast my friend. mas kita ang dilaw dahil dark at grey ang background.
hi diwata.
huwag mong intindihin ang pagkakulang mo ng units sa art appreciation. bata ka pa naman. you have all the time in the world to learn. hehe. magaling ang turo sa university of life.
hi ate glo.
uminom ka ng isang basong tubig at magpahapas ka ng isang malakas na palo sa likod. sigurado ako mawawala yang samid mo. pag hindi pa rin nawala, subukan mong maupo sa mainit ka kalan na pinaglutuan ng bawang at sibuyas.
supot naman talaga si david, ate sassy. hehehe. pero teka – jewish law prescribes circumcision di ba? anatomically incorrect ata ang david sculpture ni michelangelo. but that’s not the point is it – the point is, as polo pointed out, is that hindi pantay ang betlog ni david.
Pingback: A Sassy Diary
Pingback: The Sassy Lawyer's Journal
MWAAAAAHHHHAAAAAAHAAAA! walanghiyah kah BatJazz! lumabas sa ilong ko yong Spinelli’s sa kamwamwahaha!(pweh! ang alath na matamish!) naunahan mo ako doon, ah- dapat Miel-chaelangelo
sana kaya lang pilit –nothing can beat your version–di ko alam na Edsa-Cory Yellow ang political orientation ng pototoy mo,mwahahaha! you’ve made my day!
boss idol dengx!
ayos ba yung michelangelo pose ko. ngyehehe. naku, lumabas pala ang kapeng spinelli’s sa ilong mo. mahal pa naman yon.
hi jay,
bilib na bilib tlg ako sa you. you’re really great. pero maiba nga pala ang usapan…kahit nilagyan mo ng yellow smudge yong pinaka harapan ng statue. yong betlog na laylay is still appearing (see left side). sana mapple leaf ang inilagay mo at kong wala ka niyan, dahon ng saging
ay pwede na rin (dahon malunggay oks din). ahehehehe.
before i 4got fwede ba kitang i add doon sa favorite links koh? mabuti na yong magtanong b4 dahil baka magagalit ka.
regards,
beng
hi beng.
thank you very much for stopping by and leaving a short note. please feel free to add me in your links. i will do the same – maganda ng site mo. i visited it just now. babasahin ko pa siya in detail ngayong hapon.
the picture of your daughter is really nice. may pinagmanahan dahil maganda rin ang picture mo sa iyong blog. how is it like living in germany? i had dreams of living in europe once pero hindi natuloy. well, we will do the next best thing – do a short vacation. perhaps next year.
hindi uso ang maple leaf dito sa singapore. if i were in north america, i would have covered david’s private parts with a maple leaf para hindi kita ang betlog. hehehe.
ingat na lang diyan and i hope to hear more of you soon!
danke.
jay