nagluto si jet ngayong ng binagoongan pagkatapos ng halos mahigit limang taon. para sa akin, para na itong eternity. paborito ko kasi ito. walang tatalo sa amoy ng ginisang bagoong at pritong baboy. tataas siguro ngayon ang blood pressure ko pero sulit naman kahit isang araw akong magdusa, makatikim man lang ulit ng munting pilipinas.