What did you kill Bungalow Bill?

mayroon kaming facilities sa opisina para sa exercise kaya nga ok lang para sa akin na tumakbo o mag bike to work. nakakaligo ako kaya hindi ako amoy liver spread sa trabaho. may mga araw nga lang na nakakabwisit. pag nasa locker room kasi ako at nagbibihis, minsan may dadaan sa harap kong galing sa shower room na naka hubo.

ewan ko ba. una, hindi bagay sa lalaki ang maglakad ng walang damit (it’s too arresting, sabi ng iba). at ikalawa, hindi ako mahilig tumingin sa titi dahil mayroon na ako nito.

isa pa eh, alam mo naman tayong mga pinoy ay mga conservative at virgin ang mga mata kaya nga naiirita ako. iniisip ko kasi – “tangina n’yo, porke malalaki titi nyo eh ang yayabang ninyo”. pero napansin ko rin na yung mga iba naman (based sa aking mabilis na pagsulyap) eh mayayabang pero, wala naman ipagyayabang.

kaya nga naisip ko, may pag-asa pa para sa mga tulad kong may mga shortcomings na lumabas sa shower room one day na walang suot kung hindi matamis na ngiti. hindi pa siguro ngayon dahil mayroon pa rin akong inhibitions.

pero unti-unti ay napapansin kong nagbabago na ang outlook ko kasi napapansin ko na habang tumatagal ay nasasanay na ako na nakakakita ng naglalakad ng nakahubo kahit masagwa silang tingnan (dahil para silang may see-saw sa pagitan ng hita).

ang ayoko lang ay pag may lumapit sa akin na lalaking hubo’t hubad habang nakaupo ako at nagsusuot ng medyas. pakiramdam ko kasi, para akong nakikipag usap kay elephant man.

27 thoughts on “What did you kill Bungalow Bill?

  1. Ako din “shy” pa kong masyado lalo kung ang shower room e frosted glass lang ang pagitan. Pero like you said yung iba wala din namang pigurang tulad ko. Siguro takot lang ako makita nila mga peklat ng pwet ko hehe

    Teka Im talking about women’s shower room ha!

  2. Ay naku poh! Kunwari pa conservative at virgin ang mata huh, yun pala gusto mkipag switch. At malaki ba kamo ang mga titi nila, cgurado ka na lalake yun or naglalake-lakihan lamang hahahahah. DI nga Kuya, kuya nlng kasi feeling ko talaga as in super feeling ko mas matanda ka tlaga sa akin hehehehe. Di nga kuya, nakaka-aliw tlaga ang iyong mga posts although di ko pa nabasa lahat kasi mahina akong mg basa..some kinda sort of jologs ba hahahaha.

  3. dapat sisihin ang mga espagnol na fraile at madre kung bakit tayong mga pinoy ay may ingrained negative body image. bago sila dumating sa pinas, ang mga ninuno natin ay halos hubot hubad, and iba tattoo lang ang suot. ibagsak ang espanya! punitin ang mga cedula! ilabas ang mga gulok!

    aaay! akala ko nasa blog pa rin ako ni Ellen Tordesillas. sowwy, batjay. carried away ako. hehehe.

  4. Nakakairita nga iyon pero hindi naman dapat gumaya dahil lang lahat sila nagyayabang. Maraming malalaking bagay na pwedeng ipagyabang, hindi lang iyon di ba, Batjay! he he he! Ingat, baka mamaya sirena na pala! 🙂

  5. actually, wala naman akong negative image sa body ko. in fact ngayon, pag nakikita ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos maligo, parang gusto kong ma arouse.

    hehehehe.

  6. first time namin sa site mo! congratulations! di ko alam kung swerte ka ka o ano. Parang gusto ko na ring mag OFW. Sa lahat ng mga pakisuyo ko sa mommy ko, ang laging sagot nya e isang malakas at mabilis na ” MAG DUBAI KA MUNA!!!!!!”. FYI, nasa states ang mommy ko. CALIFORNIA, DYAN SA SAN MATEO!!!!! Di ko alam kung bakit gusto nya akong mag Dubai e nasa states siya!!! ” HOW DO I TELL MY MOM THAT I DONT NEED TO GET OUT OF THE COUNTRY?”

  7. sa gym tadtad ng mga etits. nampitso kung pwede lang hilain at itali sa leeg nila nagawa ko na keyayabang…e mas malaki pa etits ko hehe…

    kuya batjay, delikado din minsan baka mga diwata yang mga yaan…sa gym natatakot na ako anlalantik ng mga tingin nung iba na kelalake ng mga maskels…kaya bago pa ko lumabas ng shower todo bihis na sabay eskapo…

  8. heheheh! natawa naman ako ke U.T.O.Y may pagka-sadista ang dating e` wag kang manghihila at mangtatali ng etitz basta-basta msama yan tsaka baka magustuhan pa nila yon e lalo ka nilang mapagnasahan hehehe….

  9. sige nga, palit tayo, fafa. ay pero on sekantot, wag na lang.. mas gusto ko pa ring tumingin ng peks at dyoga kesa etits. tama ka, mas pleasing to the eyes ang pigura ng babae (kahit na may bilbil pa sya).

    hay, makabalik na nga sa gym! hehehehehe

  10. NINAAAAAAAAANG!

    predisposed kasi ang tao tumingin sa mga bagay na mayroong patterns at symmetry. ang human form, specifically, the female human form exhibits almost perfect symmetry.

  11. Umiinom ako ng kape habang binabasa ko yung huli mong post…mabuti’t hindi ako nasamid…

    Pareho ang opinion ng asawa ko pagdating sa “adult entertainment” (oo na nga, porn); mas maganda raw kasing panoorin ang dalawang babae kaysa dalawang lalaking nagmemeklab.

    Pagdating ng araw na wala ka nang inhibitions…walk tall and wear your smile proudly! (Sabay ang pag-toast ng kape sa monitor habang nakapikit ang mata.)

  12. hi schoolmate daisy. wala naman akong sinasabing porn. hehehe. female form lang. pero minsan nakakapanood ako sa cinemax pag gabi ng girl to girl at mas maganda ngang panoorin.

    oo walk tall ang gagawin ko dahil 5′10 ako. 5 feet tall tapos 10 inches ang… hehehe. nevermind, it’s all wishful thinking.

  13. Ako rin nahihiya pang lumakad ng hubo’t hubad sa mga spa. Minsnn nga, me mga nakasabay ako sa sauna na mga taiwanese ata, Aba ang mga unggoy, walang patumangga kung ibilad ang kanila. E pare-pareho lang naman kami. Pero kung mga chicks kaharap ko, hehe, ano bang hiya-hiya. bwahaha

  14. bakit nga ba? nakakaasar nga sa gym na pinupuntahan ko pinalitan ng see thru yung shower curtain. noong una e me polka dots pero clear, para tuloy “SHOW TIME” pagmaliligo ka.

    buti ngayon pinalitan ng medyo frosted pero kita ka pa rin … yung iba ginagaya na rin ang kultura dyan at naglalakad ng hubo pero atleast nagbri-brief naman agad bago magmedyas.

  15. Hi Kuya Batjay, it’s me again..hehhe..grabe naaliw ako sa post na ito..grabe tlaga ang westerners..di na nahihiya na ipakita ang mga dapat itago..hahahah..katulad dito may beach na nakahubad tlaga lahat..kaya kami ng mga friends ko gustong pumunta doon ngayong summer to see it for ourselves….hahahaha..mahirap kasi pag sabi2x lng..

  16. nung nagpunat kami sa dakak, maraming mga naka topless. kaya lang, hindi ako makatingin kasi nahihiya ako.

    yung shower rooms namin dito ay individual kaya walang face to face ligo. buti na lang.

    mga taiwanese pala bossing. eh di ikaw lang ang hindi supot.

  17. di kelangang mainggit sa mga kaopismeyt mong kakalog-kalog. what matters is not the size of the boat, but the motion of the ocean.

    dadi batjay, gumawa nga pala ako ng betlog site ko, spin off ng kwentong tambay. sana ma-appreciate mo kasi mentor kta sa kakulitan. dagdag mo ako sa dumaraming kampon mo – mga nagnonorma-normalan under a sheep’s skin. Ha! ha! 🙂

  18. hindi ko napansin. hindi ko rin tinititigan eh. Baka mapagkamalan akong bading e singilin akong bigla sa pagkakatingin ko sa birdie nila.

    Dakak, di ba bastos yun? Lalaking lalaki tunog ano?

  19. hehehehe. ok lang na hindi mo tinitingnan bossing. iwas kuliti. daku ata yon, hindi dakak.

    maraming salamat Badoodles. good luck sa blog mo, i’ve read it a few times and it looks good. after a while, you’ll find your own voice and you’ll be fine. ingat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.