WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN – PART 2

things i know now at 41 that i should’ve done when i was 21:

  1. huminto sa paninigarillo – maaga akong natutuo magyosi at nagsisisi ako na hindi ako huminto agad. in fact nagpatuloy ang bisyo ko from high school all the way hanggang sa aking late 30’s. kung di pa ako na hospital, hindi ako titigil. hay naku, hindi lang titi ko ang matigas. sana hindi pa huli.
  2. dapat inalagaan ko ang ipin ko – ang laking perwisyo ng kulang kulang ang ipin, lalo na sa bagang dahil ang hirap ngumuya ng kasoy. ang laking gastos din ng pagpapagawa ng mga jacket at pagpapapasta. nakakabwisit ding magpa root canal kasi ang pakiramdam nito eh parang ginugulpi ang ngala-ngala mo ng labinlimang tiyanak.
  3. mas maaga akong umalis ng pilipinas – kung minsan nagsisisi ako at hindi kami umalis agad. minsan lang naman. ang iniisip ko kasi nung araw, ok lang na nasa pilipinas ako kasi tumutulong ako sa ekonomiya ng bansa at maganda naman ang trabaho ko. ewan ko. kung umalis sana kami agad, siguradong mas maganda ang katayuan namin sa buhay. 25 years old would have been the perfect age to move. by then kasi mayroon ka nang sapat na experience, marunong ka nang manggulang at hindi ka na masyadong utu-uto.

kaya ngayon, pag may nagtatanong sa akin na bagets kung ano ang dapat nilang gawin sa buhay, ang sinasabi ko ay – mag tooth brush araw-araw, gumamit ng condom, huwag magpapabuntis, ihinto ang mga bisyo, tapusin ang pag-aaral, huwag mag-asawa ng maaga, tangkilikin ang musikang pilipino, lansagin ang tambalang guy and pip, buksan ang mga mata at kumuha agad ng passport.

40 thoughts on “WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN – PART 2

  1. tama ang sabi ng professor ko. ‘ extinct na ang mga taong nais magstay sa PI para tumulong.. to want to be of service ‘ but i understand. of course the Filipinos need a ”life”, yung maginhawa at malayo sa krimen. maybe we, the bagets can get a “life” not only through a passport. kamon.

    😀

  2. maybe. maybe not. leaving the country bothers me a lot and i still have conflicting emotions about it. BUT (and this is a big but) it’s the easiest thing to do if you’re not rich, don’t have any connections and you want to live a better life without taking advantage of other people.

    i love my country, served it and paid my dues. i don’t regret it but sometimes i wonder if it’s all worth it… “I could have been a contender, I could have been somebody, instead of a bum which is what I am.” 😀

    go your own way my friend and don’t let anyone tell you what to do and where to go. when you turn 41, let’s talk.

  3. fafa, pareho tayo ng damdamin tungkol sa pag-alis. ako man nun, masaya na sa pinas, until nabigo sa pag-ibig. hehehehe.. (parang hindi na ata tayo pareho…)

    pero the point is, nakita ko ang advantage ng umalis ng pinas. medyo materyal ang rason, majority naman ng tao, may tinge of materialism naman talaga, specially kung ang rason sa pagiging materyalistiko eh para magsurvive sa mundo.

    pero may disadvantage din – hindi mabibil ng pera, ng anumang luho… yung pag-hanap-hanap mo ng sumisigaw ng balot sa gabi, ang amoy ng tinitindang banana cue sa kanto, ang hiyawan ng mga pamangkin mo, ang amoy ng usok ng jeepney at sandamukal na itim sa banil sa leeg sa paguwi sa gabi… i miss that…

  4. oo nga ninang. dahil ako’y batang intramuros na nakatira sa novaliches, araw-araw akong tumatawid sa quiapo bridge. na mi-miss ko ang amoy ng pasig river. pero tulad ng maraming mga OFW, gusto ko rin kasing umasenso sa buhay ng hindi kailangang magnakaw kaya ako umalis.

    fan kasi ako ni pugo at tugo. hehehe.

    salamat ate connie. buti gumagana ang search ng wordpress. in fact, ok nga ang search capabiltiies nito – mabilis at accurate.

  5. batjay, ate sienna,

    pag itim, banil, pag brown o gray, libag? dito kasi sa amin, “kwintas” o “choker” tawag namin dun. banil din ba tawag sa itim na kumukulapol sa loob ng ilong? hehehehe

    tinuturo ko sa aking business students na sa tuwing gagawa sila ng decision, dapat timbangin nila ang costs at benefits nun. if the benefits outweigh the costs, then go for it. If not, reconsider ur decision.

  6. As long as a country does not know how to better take care of its most precious resource (the people), mas masarap pa talaga na umalis kesa tumigil. Personal reasons will often outweigh the general ones. Few will remain. Many will go. There’s nothing wrong or unusual in that. Tama ka, 25 is the optimal age to leave, though I left when I was 17.

  7. wow – you learned the truth at 17 (when love was meant for beauty queens). hehehe. batang bata doc emer. i know you studied abroad and that you came back to the philippines to be a doctor.

    now that, to me, is heroic.

  8. Magandang advice yan Papa Batjay. Hindi naman ako nagyoyosi, ngayon ko palang kina-career ang pag-alaga ng ngipin at well, andito pa rin ako sa Pinas. Okay naman ang 2 out of 3 diba? Hehe.

    I wish I had left as well in my early 20s, but then again may kapalit. I wouldn’t have worked for a great ad agency, nor would I have met my husband. Ganyan lang naman ang buhay! Lots of forks in the road but some are pleasantly surprising.

  9. “…ang sinasabi ko ay – mag tooth brush araw-araw, gumamit ng condom, huwag magpapabuntis, ihinto ang mga bisyo, tapusin ang pag-aaral, huwag mag-asawa ng maaga, tangkilikin ang musikang pilipino, lansagin ang tambalang guy and pip, buksan ang mga mata at kumuha agad ng passport.”

    AMEN po sa lahat ng ito. ha haha!!!

  10. PRAISE the GOD! hehehe.

    ok lang yon toni. oo nga – you met your husband there at maganda pa ang work mo. and from what i see, talagang maligaya kayo

  11. i was just about to ask kung mahal niyo ang pilipinas. hehe. im only 18 now. sana you are still blogging at the age of 60. sana by that time may volume 5 narin ang kt da book.

  12. 1. Hindi po ako naninigarilyo. Tried it but never liked it.
    2. Inaalagaan ko po ang mga ipin ko. Kaso, naka-ilang root canal na ako. Ang daming naka-jacket. Masakit sa bulsa ang pagpunta sa dentista. Deep cleaning nga lang, nadali ako ng $600 with insurance na yun.
    3. Umalis po ako ng Pilipinas at 24.

    But living here in the US is very expensive. Dollars in but dollars out. Kaliwa’t kanan ang binabayaran na insurance. Buti sana kung may mga jeepney at kahit wala ng sasakyan.

  13. sa totoo lang kuya batjay, malaking impluwensya ang naitulong ng blog mo na ito kaya ko naisipang maghanap ng ibang trabaho. nasa comfort zone ako dati ng isang malaking kumpanya pero nakita ko sa blog mo na mas may kinabukasan pag nag aabrod, career wise and financially kaya lang 32 na ako bago ko na realize, but better late that never.
    iba talaga ang oppurtunity outside the country, di lang naman pinoy ang ganito, kahit naman mga europeans at americans e nag wowork din outside to earn more as compared to their home country.

    congrats nga pala for winning the best OFW blogger award.

    ciao

  14. panalo ang mga posts mo! at may kulitan pa dito sa comment page. hehehe… pwede bang tumambay araw-araw rito, ankel? nanggaling po ako sa bahay ng Manilenya 🙂

  15. walang problema. pwedeng pwedeng tumambay basta huwag ka lang malikot. ingat at salamat.

    hey louie. maraming salamat sa pagsulat. mabuti naman ay may kaunting magandang influence ang mga katarantaduhan ko. tutuo ang sinabi mo, tinitingan ko ang mga remittance summary last weekend – ang pinakamalaking remittance ay china at india. ang philippines ay nasa top 5 ata pero naroon din, suprisingly ang france, UK at australia. ang problema lang ay sa atin, sa tingin ko, mas malaking percentage ng mga magagaling ay umaalis kaya talagang mayroon brain drain.

    isa ka palang ate vi at kuya bobot fan; libyaboy – ako rin fan ako lalo na ni edgar mortiz. especially nung panahon niya sa going bananas. paborito ko yung music group niyang “edgie and the jakolytes”

    buti na lang hindi ka natuto mag smoke KK. it really is tough to quit. sinabi mo na expensive dito sa US. i live in california at ipinaramdam sa akin itong april ni unkyel sam kung gaano niya ako kamahal by taxing me to the max.

  16. haha ayos toh. parang pare-parehong makukulit ang mga tao dito hehe, sali ako ha batjay, pramis di naman ako malikot hehe. first time ko itong mag-comment dito e.

    nga pala, ako rin gusto kong umalis ng pinas, syempre din with all considerations done, i decided na gusto ko nang makaalis this year.
    maganda ung mga nabanggit nyo tungkol sa pagiging ofw, ok talaga at nakakatulong sa pagninilay-nilay ko.
    tenkyu.

  17. gud day po kuya!!i’m glad na napunta ako sa site mo..na aaliw ako sa kababasa sa mga entry at mga comments…

    i leaved pinas 2 years ago (at 23) for greener pasture pero until now guilty pa rin po ako sa ginawa ko..

    i don’t smoke, i take good care of my teeth (pro my pasta na ako)kaso lng di straight ang ipin ko..papa brace pa ako pag uwi sa pinas(heheh), at di po talaga ako mag aasawa nang maaga..infact wala pa po akong bf at 25..hehehe..kakalungkot naman!!lol

  18. Tingin ko lang naman Pa, we will always evolve to be the best that we can be if we have half the sense. I am happy that you are at your healthiest and that you had the opportunity to be this way.

    I am happier though that with our aging bones, our heavy flesh and our addled minds, we remain able to say in our hearts a youthful and humble thanks for all of these.

    Labyu!

  19. Hello mylab. Youthful and humble hearts – i’ll keep that in mind. pero hindi pa naman tayo aging bones at heavy flesh. sa tingin ko ay matagal pa yon. Lab U 2.

    hi julai – wala pang boypren at 25. ok lang yon – darating yan pag oras na. dami kong kaibigan na babae na nag-asawa in their late 30s and early 40s.

  20. hi kuya batjay..thanks for the reply..grbe na loka ako sa kahahanap ng blog mo..kasi di ko na bookmark..ang pinoyblog ang na bookmark ko..kagabi pa ako search ng seach…buhay tambay kasi ang na remember ko kaya di ko nahanap….atlast nahanap ko na..kwentong tambay pala..hehehh..at naka bookmark na…

    yep, i’m still single at 25 and still counting,ahehhe..pero 30 panaman tlaga ang balak kung mag asawa..di bale walang bf basta masaya..

    pumanhik lng ako sa trabaho pra hanapin ang blog mo..

    thanks po kuya and have a nice day.

  21. hi julai,

    nagulat nmn ako at wala ka pang bf.. wow nakakabilib nmn yun, anyway hoep paguwi mo eh makita mo na sya… hehehe..

    kuya batjay, kahit nmn ako my plan ding umalis ng bansa.. nagmsg nga ako sa latest topic mo at yung sinasabi kong ihihingi ko ng opinion eh dito din palan itatanong… im 29 now.. planning magpunta ng australia.. but hindi ko alam kung pano ko sisimulan.. anyway idea or agency na pwedeng makatulong sakin… im IT guy, hindi po ba mahirap maghanap ng work dyan? sabi kasi ng frnd ko mahirap daw… but kahit na siguro.. hope hear you soon… salamat kuya…

  22. hey SuperP. sorry pero hind ako nakatira sa australia. ang alam kong pinaka magandang paraan para magsimula na tumingin ng options sa migration doon ay magpunta sa kanilang website – may point system ata silang ginagamit at pag may sufficient points ka ay pwede kang mag apply.

    ingat.

  23. hello po sa lahat! salamat naman nakapunta ako sa blog na to. winner na my manners pa! wala lang po akong masabi. gusto ko lang magpaadmit dito..kakamis din ganitong kwentuhan, kwentong tambay talaga na kapupulutan ng aral ng maraming tambay.
    am here presently working in lebanon po for almost 2years.

    ingat po.

    God speed!

  24. hay nako fafajay ako din may sentimiento sa pag-alis ng pinas. kaya eto nagmamadali na ko kasi medyo tumatanda na at andito pa din aketch!

  25. ako din, lumabas sandali ng pinas. mag babakasyon this may, after two years. andito ako sa pohnpei, micronesia (mahirap pong hanapin sa mapa nasa gitna ata ng pacific to.) kala ko nga nun iilan lang pinoy dito. yun pala madami din. totoo siguro na kahit saang sulok ng mundo eh may pinoy. pero sobrang lungkot dito. buti nalang kilala na internet dito. mas gusto ko pa din sa pinas. pero ibang usapan na po kung tataasan sweldo ko. hehehe.

  26. makisali ulit.well said batjay,maganda kung single ka pa o kaya kasama mong family mo.sa palagay ko the earlier the better,para kung tingin mo okay ka na balik ka na ng pinas and stay for good.nga lang yung iba eh iba ang priorities kaya humaba yung kontrata sa abroad.ang asar lang pag nakapunta na ng abroad ang dami ng hinahanap sa pinas,kasi kinukumpara nila sa mga napuntahan nila.isa lang ang pinas and this is where we belong.

  27. tama ka 25 nga ang right age para mag abroad, salamat sa Dios at nakapag abroad na ako at d age of 25. mas bata mas ok dahil mas maraming opportunity ang naghihintay… tama ka, kapag 25 ka na may sapat na experience ka na, nde ka na utu-utu at lalong MARUNONG KA NANG MANGGULANG hehehe.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.