TOP 10 DO'S AND DON'TS PARA SA MGA FIRST TIME TRAVELLERS

1. plan your trips abroad ahead of schedule para maayos lahat ng mga visas, hotels at air tickets. mas mura kasi ang bayad pag mas maaga ang mga reservations. pag nakatipid ka sa bayad sa hotel at eroplano, pwede mong gamitin yung extrang pera pambili ng pasalubong para sa mga kupal mong kaibigan na parating sumisigaw ng “asan ang chocolates ko?” everytime kayong magkita sa pilipinas.

2. pag may trip ka sa isang foreign country, punta ka sa internet para ma search mo ang mga facts about your destination. alamin mo yung culture, currency at do’s and don’ts. maganda rin na alam mo yung mga simple words tulad ng “hello”, “good morning”, “thank you”, “how much”, “tangina mo” at “fuck you”. impressed kasi ang mga natives pag alam mo ang language nila.

3. punta ka sa airport ng at least 2 hours early. mahigpit kasi ang security sa NAIA kaya dapat maaga ka para hindi ka ma late sa flight. minsan nga pag wala akong magawa, binibilang ko kung ilan ang security check sa airport natin para maaliw ako… 1. ticket and passport check ng security guard sa entrance, 2. xray ng maleta mo after the entrance, 3. weighing and ticket check sa counter ng airline, 4. security check sa pagpasok sa immigration, 5. airport tax at POEA check before immigration, 6. check ng immigration, 7. ticket check bago pumasok sa boarding gate, 8. xray check before the boarding gate, 9. body search after x-ray check, 10. bag check pagpasok sa boarding gate, 11. boarding pass check pag pasok sa tarmac, 12. boarding pass check pag pasok sa eroplano. bwakanginang yan, kung di ka ba naman mainis.

4. bili ka ng durable na maleta. pag nag simula kang mag travel, ang luggage ang magiging best friend mo. kailangan matibay at maganda. ang samsonite at delsey ang mga matibay na malatang may reasonable na price. huwag kang magtipid dito kasi pag madalas ang travel mo, madaling masira ang mga cheap brands. believe me, marami na akong naitapon na mumurahing luggage.

5. kailangan mo ng credit card na may credit limit na mataas para dito mo na lang i-charge lahat ng expenses mo. mahirap magbaon ng malaking cash kasi hindi lang sa pilipinas maraming mga mandurukot at salisi gang. gamitin ang personal credit card mo para marami kang points. yung extra points ay pwede mong gamitin sa pagbili ng pasalubong para sa mga kupal mong kaibigan na parating sumisigaw ng “asan ang chocolates ko?” everytime kayong magkita sa pilipinas.

6. baon ka ng laptop or notebook computer para pwede kang mag trabaho sa airport at eroplano. karamihan naman ng mga airport ngayon ay may free internet access. ang isa kasing nakakainis sa pag byahe ay ang long waiting time sa mga airports. minsan nga sa sobrang dami ng delay at mga stop-over, makakapag bilog ka ng kulangot na kasing laki ng basket ball.

7. maganda rin magbaon ka ng iPod music player at interesting na libro. protection mo ito sa boredom sa airport, sa matagal na byahe at sa mga pasaherong makukulit na makakatabi mo sa eroplano na gustong ikwento ang buong life story nila. pag mukhang busy ka o tulog eh hindi ka nila iistorbohin. ngayon, kung mayroon pa ring pasahero na kalabit ng kalabit at gustong makipag kwentuhan kahit nakikinig ka ng iPod, nagbabasa ng libro o kaya ay nagtutulug tulugan, eh either sapakin mo na lang o kaya ay magpalipat na lang ng upuan.

8. kailangan din meron kang favorite airline. lahat kasi ng mga airlines ay may free miles na binibigay sa mga loyal passerngers. pag nakaipon ka ng maraming miles, pwede mo nang i-libre ang pamilya mo sa mga trip abroad. first thing to do ay mag member ng airline club. libre ito at pwede kang mag fill up ng form before check-in sa airport.

9. huwag iinom ng tubig sa faucet sa mga binibisita mong mga country. lalo na pag 3rd world tulad ng india. baka magkaroon ka ng walang katapusang LBM.

10. siguraduhin na tama ang airport na pupuntahan mo para hindi ka mag mukhang tanga. minsan maraming mga mega airport na dahil sa sobrang laki ay malilito ka sa dami ng mga arrival at departure gates. alamin din kung may mga airport tax sa mga bansang pupuntahan mo para may nakahanda kang local currency na pambayad. mahirap maubusan ng pera dahil baka hindi ka makabili ng pasalubong para sa mga kupal mong kaibigan na parating sumisigaw ng “asan ang chocolates ko?” everytime kayong magkita sa pilipinas

28 thoughts on “TOP 10 DO'S AND DON'TS PARA SA MGA FIRST TIME TRAVELLERS

  1. nung isang beses na pauwi ako ng pilipinas, sa sobrang excitement naiwanan ko ‘yung attache case ko sa apartment, so kinailangan kong bumalik. buti na lang, sanay ako sa traffic sa manila so i had plenty of time when i finally got to changi airport.

    so, chinek in ko baggage ko, went to the departure gate and waited for my flight. when I got to the gate I really thought I was early kasi walang ibang tao. so I waited. basa ng magazine, etc. at around 15 minutes before boarding nagtaka ako at wala pa rin tao. so, I looked at my boarding pass again and…tama: maling gate pinaghihintayan ko. nasa kabilang dulo ng terminal 2 ‘yung flight ko. with 10 minutes to go, para akong nagaamok sa changi.

    tip number 11 (if I may): ‘wag excited.

  2. I never thought I’d say this pero nami-miss ko na magbyahe. Miss ko na ang SIA, ang Changi, ang lounge at pati security checks, nami-miss ko na rin. Pati nga NAIA, parang miss ko rin e… hehe.

    Haaay!

  3. tama! laging iche-check ang gate number mo..kanina lang sa seattle/tacoma airport..may isang grupo ng mga babae (iba salita nila..di ko madistinguish)..mga 6-8 silang lahat…mali yung inintayan na gate…too late na ng malaman nila..naiwan tuloy sila ng eroplano! hehe.

  4. dapat talagang i-research ang destination… Wag kayong gagaya sa mga orientals na madalas mahuli dito sa Heathrow. Pag initerview kasi and they’re asked “so what do you plan to visit?” ang sagot nung isa (live tv!!) “eiffel tower!” NGEK. Okay sige uwi ka sa bundok mo.

  5. ingat din sa first time travelers na hindi makatulog at tumitikim ng lahat ng i-offer sa eroplano. ganyan kasi yung katabi ko dati, the worst is, ginigising pa ko dahil meal time na daw hehe.. so better tell them, gusto ko pong matulog, pwedeng pakisara bibig nyo pag ngumunguya kayo?

  6. nung 1st time ko umalis ng pilipinas may narinig akong 2 babae na nagdidiscuss kung saan sila dapat maupo. sabi nung isa na gusto nya sa may isle. sabi naman nung isa gusto nya sa may bintana para makapagpahangin dahil madali sya mahilo.

  7. siguro dahil nakasanayan ko na naghahatid sa airport kaya last time umuwi ako nakalimutan ko na dapat pala kunin ko din ang bagahe ko sa bus. Good thing naalala ko agad, kundi…..

  8. Jay! i saw your LOVELY pic at pinoyblog,ba’t wala dito sa site mo?

    thanks for the tips,i envy those who carry their laptops with them but then at least while travelling, stop muna ako sa net.

    off to bangkok tom.,no lappie,no cell phone!

    and hey,be sure not to touch any private parts when you do a body check to jet,nyehehe.

  9. Kung magpapabook para sa bus na papuntang airport, siguraduhing tama ang lugar na sasabihin mo. minsan kasi ang sinabi ko sa staff ng company namin is “bound to Fukuoka” lang. akala ko gets na nya na sa airport ako pupunta. papunta palang Fukuoka City ang binigay saking ticket. muntik akong hindi umabot sa flight ko. hehehe

  10. tip #12: be nice to the ticket/gate agents para yung bagahe mo makarating sa tamang destination. (when i used to be a ticket agent for Northwest Airlines, sini-send ko sa maling destination mga bags ng mga bastos na pasahero. ooops, atin-atin lang to okey?)

  11. hi, thanks po sa tip nyuh. pero may idea po b kau qng ilang may limit po b sa check in baggage ang ddalhin? sai kc 20kilograms lng dpat po pag tourist po, sna msagot nyu, kc ill be leaving on thursday to switzerland, 1st tym qw po kyah tatanga tanga po, haha:D

  12. firs timer din ako to travel abroad um gonna work to doha qatar malaki maiitutulong sa akin ng mga nabasa ko dito thanks…my flight is on October 21, 2010…

Leave a Reply to Secret Samadhi Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.