halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
nakita ko rin ang mga dati kong ka-opisina sa asia-pacific: yung mga polite at hospitable kong mga kaibigang hapon na yuko ng yuko, ang mga lasinggerong koreano na tuwang tuwa pag nakikita ka nilang lumalakad ng sakang dahil sa sobrang dami ng nainom mong soju, ang mga intsik na kaya lang nag attend ng conference ay para makapag mahjong sa gabi. nakita ko nga rin pala ulit ang kaibigan namin ni jet na si norman. a true man of the world: si norman ay isang intsik na pinanganak sa south africa pero ngayon ay isa nang australian citizen. pareho kaming left handed ni norman. actually lahat kami ay left handed – ako, si jet. si norman, ang asawa niyang si le-an at ang dalawa nilang anak na si katlin at candice.
kulang-kulang na palang isang taon kaming umalis ni jet. it’s nice seeing old friends again – pag nakikita ko ang mga mukha nila, pag kinakamayan ko sila, pag nagkakausap kami tungkol sa bagong mga tsismis, naalala kong lahat ng mga naiwan namin sa kabilang ibayong aming pinanggalingan.
wow! iPOD NANO!!! ang social!! ahahah.. sana ako rin kasama sa conference nyo.. kahit na suicide by powerpoint, okay lang basta may iPod na kapalit.. kakainngit naman… :p
oo nga, its nice to see old friends again. kaya nga ako sa birthday ko, aakyat ako ng baguio to be with my friends, kasi miss ko na sila..
sana hindi ka na ma-bore dyan.. magdowload ka nalang ng mp3, sa bago mong iPod, at habang bagse-seminar, kunyare nakikinig ka, pero actually sound trip na.. :p
huh?!!!
NANO?!!!
Pinamigay na parang mani?!!!
Buhay nga naman… parang life… sigh…
soju!!!!
Meron po akong korean colleague na palaging may baong soju sa mga regional meeting namin!
Laking tuwa naman ng mga higanteng vikings dahil may excuse na silang maging “warm”
🙂
kakainggit ka naman. Ako nga kahit mp3 wala e. Mag-eenjoy siguro ko sa ganyang seminar. Basta naka-upo lang at nakikinig, okay lang sakin yan. Hindi trabaho sakin kasi ang ganyan e. Nap time. hehe
ipod nano na libre? shet na malagket.
Ay, naku, ako man Batjay magtitiagang makinig (kuno) sa mga presentation basta may ipod nano.
Yes, it was nice seeing them again. Sana lang I was able to spend more time with them than just a dinner and a breakfast. And I hope they brought their wives with them, like in the good old days. Parang ang tagal no? Ang bilis talaga magbago ng takbo ng buhay. Haaay!
mabilis nga ang takbo ng panahon mylab. di bale, next year dalaw tayo ng singapore.
hi lani – sulit nga ang pag attend ng conference dahil lang sa iPod. ngyehehe.
packing sheet na malagkit talaga.
para ka palang mga hapon tito rolly. pag nag attend dito ng mga seminar, natutulog lang kasi di nila masyado maintindihan magsalita ang mga amerikano. mabilis kasi mag english.
lahat ata ng mga koreans na may trip overseas ay may baon na soju. gusto ko yung nasa tetra pack, pwedeng dalhin kahit saan.
ka rene! musta na? unexpected nga yung nano. ngayon dala-dala ko na siya sa paglakad ko.
hi ayz. i hope nag enjoy ka sa b-day mo. sarap naman sa baguio. kailan kaya ulit makakabalik doon.
i like youre story it was great